Saturday, September 6, 2014

Eat. Dine. Love.


Exploring North: LA UNION

GASTRO INDULGENCE LU STYLE! :)

AROSIP: LATO LATO PEACE

OH MY GOOLAY!


IM DAING

FISH AND CO.

SWABE SWAHE

PIZZARIFIC

GIDDY PIC + HAPPY TUMMY.
 NOW,  I NEED TO SHED OFF THE WEIGHT.
HAHA.

Sunday, March 30, 2014

Exploring South: TAAL

Poblacion Taal: The Heritage Town

Marcella Agoncillopangunahing mananahi ng pambansang watawat ng Pilipinas.
Taal- ang bayang sinilangan ni Leon Apacible.

Taal Basilica- pinakamalaking Katolikong simbahan sa Asya.


Escuela Pia- isa sa pinakamatandang institusyon ng edukasyon sa bansa.

Wednesday, December 4, 2013

Five-second Wonder



That stare.
A five-seconder.
The eyes met.
As if locked by some cosmic force.
Almost lost my stance.
I had to recover.
Everything's in trance.
Goosebumps rush.
The fireworks' splendor.
Of sparks.
And twilight.
Hey, you.
It's a yes for you.

Saturday, July 13, 2013

iSPARKS

Parang tumigil ang paligid.
Ay, hindi. Nag-slomo lang pala.
Bumagal.
Yung parang eksena sa panaganip.
O kaya sa pelikula.
Ganoon, ganoon na ganoon.
Ramdam ko ang hangin.
Napakalamig.
Sobrang dalisay.
Pero nang mapako mata ko
sa direksyon mo,
patungo sa 'yo,
natunaw ako.

Ikaw lamang.
Kasama ako.
Tayo mismo ang karakters.

Halos tik-tak lang narinig ko.
Ng mga minuto.
At mga segundo.
Ng milliseconds.
Pati nanoseconds.
Rub-dub. Rub-dub!

Oo na, iSparks nga yata ito.

Sunday, May 5, 2013

Twenty-ish. Lol.


‘Ilang taon ka na?’, ang tanong sa akin. Napatigil ako saglit. Naisip ko, taon-taon na lang ‘pag malapit na ko mag-birthday, mabenta ang tanong na ‘to.  ‘Uhm, twenty-ish. Lol.’, isip ko. Huling birthday year ko na palang pwedeng sumagot ng , ‘ah, eh late-twenties’.  

Late twenties.  Late twenties. Parang gusto kong mag-flashback ang memories. 

First decade: Aral-laro.  Masyadong hyper.  Masyadong masaya.  Buhay bata. Walang problema.

Second decade: May konting pressure.  Kailangan ng konting decision-making sa ilang mga bagay. Educ. Love. Heartbreak. Pressure. Kala mo pasan mo na ang mundo when in fact hindi naman talaga. Ang panuntunan mo sa mga aspeto ng buhay, unti-unti nang nahuhulma.

Third decade: Work.  Life.  Balance.  Hinahanap mo ang center of existence. Minsan gusto mong i-justify ang lahat sa pagla-label na nasa Quarter Life Crisis ka lang.  Ano ba talaga ang mahalaga? Priority.  Career.  Time management.  Simpleng buhay na masaya. Work-life balance. Sana.

Ang oras daw ay isang continuum.  Isang linya na nag-uugnay ng past, present at future. Lines are made up of points or periods, turo sa Math.  Kaya ang buhay ay puro periods. Birth, Childhood, Puberty, Adolescence, Old Age, tapos Death.  Circle of Life. Paulit-ulit.  Cycle. Hindi madali dahil kailangan ng todo effort to put everything in order (see 2nd Law of Thermodynamics).

Siyet. Magbi-birthday na ‘ko.  At sa totoo lang, ang feeling ay bittersweet. Sweet dahil plus one good year of learning ang nadagdag. At fear dahil may  fear of the unknown.  Minsan sabi ng boss ko, ‘…matatakutin ka pala’. Gusto kong sumagot ng, ‘May mali ba? Fear is an emotion at lahat ng emotions, valid. Hindi ka pwedeng makipag-debate sa emosyon.’ Hindi ko siya sinagot. Fear. Justified.

Just sharing thoughts in my head.  Sa almost (read: almost, haha) thirty years of existence, Im happy with a number of constants. Family.  We argue, a lot, yes.  Pero, they remain to be my foundation.  At dito ko unang na-define what love is.  Yung unconditional.  Friends.  You make me happy.  You make my sanity intact.  I miss you a lot: garage sales, malling, food trip.  Medyo may constraints lang sa time lately pero I will make it up to you. My God.  You never fail to comfort me.  I feel the warmth of Your embracing arms.  
People, I love you.  You are a fragment of who I am today. Thank you for choosing to be part of my life. You are life's true gifts. Magbi-birthday na nga ako.  Sumesenti din pag may time. Regalo ko ah. :-)