Ang BitLOG ni Chie (ang aking BLOG) *BIT -- sa kompyuter, ito ang pinakamaliit na yunit ng storable information *LOG -- isang tala ng mga pangyayari *BLOG -- pinaiksing salita para sa weblog; isang online na dyornal *CHIE – pangngalan, pangalan, palayaw para sa Catherine. This is my BIT. This is my LOG. ...It’s my BitLOG!! ..so let's keep the balls rolling...
Thursday, January 20, 2011
PUSANG GALA NAMAN, OH! (Oh, Stray Cat!)
PUSANG GALA NAMAN, OH!
(OH, STRAY CAT!)
Pusang gala, stray cat, pusang kalye, o pusa-kal – bakit nga ba kasi ang daming nagkalat na pusa sa kalye? Muntikan na kitang masagasaan kanina. Ikaw na ang may siyam na buhay. Ilan pa ba ang spare mo at ‘di ka yata natatakot magpatawid-tawid sa kalsada? Sa labanan ata kung ano’ng hayop ang may pinakamataas na insidente ng nasagasaan, ikaw na ang panalo. Tingin ko, wala ‘ni isang drayber (o pasahero o by-stander) ang magsasabing ‘di pa sila nakakakita ng pusang patay sa kalsada, higit na madalas sa iba pang miyembro ng Kindom Animalia. Basag ang bungo, duguan, labas ang bituka at kung mamalasin makailang ulit ka pang gugulungan ng mga kumakaripas na sasakyan. Kaya payo ko sa iyo, pusang gala konting ingat naman!
(**ang mga pusa sa larawan ay mga pusa namin sa bahay, technically hindi naman talaga namin pets kasi patawid-tawid sila sa 'ming magkakapitbahay.)
Subscribe to:
Posts (Atom)