Saturday, December 24, 2011

xmas 2011

me shoutouts a merry christmas. lesson learned: when making a pic post like this one, you should write the texts in their mirror images. otherwise, you'll get a post readable only by dyslexics. happpppy holidaaaays! :D

Saturday, November 26, 2011

Kawayang Tulay


aug 6, 2012. post-Hener, SW monsoon, Aplaya (photos cto: ate tirit)
Aug 6, 2012. post-Hener, SW monsoon. "Walang Tulay"

Lumalangitngit ang kawayang tulay habang binabagtas ni Thelma ang daan pauwi sa kanilang bahay. Tangan ang lamparang iindap-indap, madilim at wala pa ding kuryente, pilit niyang tinatawid ang pinagdugtung-dugtong na mga kawayan na nagsisilbing tulay para sa kanilang mga taga-aplaya. Tumaas na naman kasi ang tubig ng lawa dulot ng sunod-sunod na pag-ulan. Nagbaha na naman. Buti na lang maagap ang mga tanod ni kapitan at nakapag-kabit agad ng pansamantalang tulay gamit ang mga kawayan mula sa nasirang mga baklad. Malaking tulong ang mga tulay na ito upang makatawid ang mga batang papasok sa iskwela, o mga magulang na papasok naman sa trabaho.

Bitbit sa kanyang kanang bisig ang sangkilong bigas at dalawang delatang sardinas mula sa kinita sa maghapong paglalaba kina Mrs. Santos, pilit na nagmamadali si Thelma na makauwi agad. Naghihintay sa bahay ang kanyang walong taong gulang na panganay, si Theresa. Gutom na ito marahil, isip niya. Buti na lamang at Sabado bukas, ‘di nya kailangang mamroblema sa pambaon ng anak na nasa kinder pa din dahil dalawang taong nahuli sa pagpasok sa daycare.

Hindi uuwi ang asawang si Berting sa gabing iyon. Bumiyahe ito pa-Pampanga ilang araw matapos ang bagyo upang dumilehensya ng kaunti sa pag-ekstra bilang pahinante. Hindi na din masama ang kita. Kaysa nga naman maubos ang oras nito sa pamamasura sa mga gamit na inanod ng bagyo, mas maayos ang pera kung mangangamuhan na lamang si Berting.

May ilang beses ding tumitigil si Thelma sa pagbagtas ng tulay upang pagbigyan ang mga iba pang tumatawid mula sa saliwang direksyon. Nangingiti siya. Pati ba naman sa kawayang tulay para sa baha, may trapik pa din, isip niya.

‘Aling Thelma, Aling Thelma’, malakas na sigaw ng batang kapitbahay nilang si Andoy mula sa di kalayuan. ‘Oh bakit tila ka humahangos?’, balik na sambit niya sa paslit. ‘Si Theresa po kasi, habang naglalaro kami kanina, wala pong tigil sa kakasuka. Kasama niya po ang Nanay ngayon sa kubo niyo. Binabantayan muna siya at ako nga po’y inutusang abangan kayo.’ Mabilis na nagmadali si Thelma sa kanilang kubo. Inaapoy ng lagnat ang bata at tila latang-lata ang hitsura nito. Katabi nito ang banyera ng tubig at bimpong ipinampupunas sa katawan ng bata.

‘Thelma, ipatsek-up mo na center ang bata, baka kung ano na ‘yan’, nag-aalalang sambit ng nanay ni Andoy. ‘Naku, ‘wag ka namang ganyan. ‘Di naman siguro. At isa pa, wala akong ekstrang perang pambili ng gamot kung sakali. ‘Di pa uuwi si Berting hanggang sa Miyerkules’, ani nito. Tuluyan na ngang umuwi ang nanay ni Andoy at naiwan si Thelma sa magdamag na pag-aalaga sa bata.

Tatlong araw na ang lumilipas pero patuloy pa din ang pagtaas-baba ng lagnat ni Theresa at pagrereklamo nito ng pananakit ng katawan. Tila walang bisa ang paracetamol na nakuha ni Thelma nang libre minsang may dumalaw na Barangay Health Worker upang mag-sensus. Dama niya ang hirap ng anak. Namumula ang mata at mukha ng bata sa init. Pilit niya itong pinahihigop ng sabaw nang biglang nagsususuka na naman ito. Sa takot ay mabilis niyang kinarga ang bata balot ang kumot at walang sabi-sabing tinawid ang kawayang tulay. May makailang beses pa siyang mumuntikang madulas at mahulog sa nangungutim at puno ng basurang tubig-baha. Mabilis namang tumabi sa daraanan ang mga mga batang nakatambay sa tulay at nagtatangkang makapamamingwit ng isda sa tubig-baha.

Nakaabot siya sa pampublikong ospital sa bayan nang walang sapin ang mga paa. Nanganagatal na siya sa takot sa kung anong maaaring kahinatnan ng anak. Ipinaliwanag ng nars na kailangan na itong i-confine upang maobserbahan.

Sa ward ay tila sila mga sardinas na nagsisiksikan kasama ng iba pang mga pasyente. Kung paano sila nagkasya sa kwartong iyon, ‘di na naisip pa ni Thelma ‘Mamaya pa daw dadating si dok,’ tsismis ng katabing taga-bantay. ‘Wag na tayong umasang uunahin tayo dito. Walang karapatang magkasakit ang mga mahihirap na tulad natin dahil wala tayong datung’, inis pang dugtong nito. Bumuntong-hininga na lamang siya bilang tugon.

Maya-maya pa ay dumating na nga ang nars dala ang resulta ng lab test. ‘Misis, Dengue po ang sakit ng anak niyo. Bakit naman po pinaabot niyo pa ng ilang araw? Maswerte po kayo at kakadating pa lang ng suplay mula sa DoH.’, sabi nito.

Makailang-saglit ay dumating na din ang asawang si Berting na nakiusap munang lumiban sa trabaho upang alalayan ang mag-ina. Kahit paano ay panatag na si Thelma. Ngunit kinailangan pa din nilang manatili ng ilang araw upang makatiyak na ligtas na nga si Theresa.

Bumilang ng tatlo pa uling araw at tuluyan na nga silang pinayagang makalabas. Mabuti na na lamang at mabait ang residenteng duktor na tumingin sa bata at napabaunan pa sila ng ilang pirasong medisina. Binilin din nito na umatend sila ng seminar tungkol sa pagsugpo sa Dengue na gaganapin sa court sa makalawa. Uso daw kasi talaga ang sakit na ito ngayon.

Babalik na ang mag-anak sa aplaya. Tatawid na naman sila sa kawayang tulay. Ang tulay na maghahatid na naman sa kanila sa totoong buhay. Mas malakas ang langitngit ng kawayan sa pagkakataong ito. Nabibigatan marahil sa tatlong kataong bumabagtas palooban. Magaling na si Theresa. At ngayon nga’y pauwi na sila sa kanilang tahanan, sa kanilang katotohan-- sa barung-barong dito sa aplaya, kung saan ang baha at bundok ng basura ay laging magpapaalala na ang ‘di miminsang pang-aabuso sa lawa ay babalik-balik sa mga taong sumasalbahe sa kanya.


                     *photos cto: ate myra (wala pang tulay); sometime Sep '09, Ondoy

Tuesday, October 25, 2011

Takot ako, eh!

...naalala mo ba ang mga sabado ng gabi na pinakamalapit sa pagsapit ng november 1 noong bata ka pa??
...takot na takot ka na pero pipilitin mo pa ding panuorin ang halloween episode ni kabayan noli de castro.
...tumatayo na ang balahilo mo at parang may lumalakad na anino sa peripheral vision mo.
...ilang beses ka ng may 'call of nature' pero ayaw mo pa ding mag-CR.
...lahat kayo ay nagtuturuan kung sino ang maiiwan sa kusina para maghugas ng pinggan.
...ilang gabi ka bang hindi nakatulog pagkatapos?


...let's relive the haunting feeeling this sunday!
...let's get spooky. and eerie.

...oh em, samahan mo 'ko. TAKOT AKO, EH!
...sa sunday ulit, Sunday's Best.
...may episode ulit si ex-VP.


whooooooh, whoooooh, whoooooh.
(oo, ito na yung attempt ko to scare you = FAIL! haha)

Saturday, October 8, 2011

Okto-Blast

Thank You God for dear friends.
They keep my sanity intact.
Happy to join these jovial people who master the craft of spelling F-U-N!
Surely.
I still am stoked.
Cheers. Happy birthday Vans.




Hiphop? Rockers?



(teach me how to dougie, te-te-teach me how to dougie)

(coz boys dont cryyyy, ten-ten-tenen)

I say, we make a perfect mix. ayt! :D

Friday, September 30, 2011

Goto Aplaya

*busog


Hindi ko din alam kung bakit walang pangalan ang gotohang ito. So for the lack of name, just allow me to refer to my subject as ‘Goto Aplaya’, tutal sikat naman talaga sa ‘tin ang kainang ito.

Quick Question: Sino sa mga taga-Aplaya (o Poblacion) ang ‘ di pa nakakatikim ng selection sa gotohan ni Nana Norma?

Yap, ito ‘yung pwesto katabi ng basketball court. For as long as I can remember, nag-eexist na talaga itong kainan na ‘to. First inititated by the efforts of the then ‘Nana Pacing’, their ‘goto, et. al.’ has been part of the community’s morning (then) or afternoon food delight.

Patok talaga ito dahil bukod sa mura ay tiyak na masarap at masustansya. Through time, nag-evolve na din ang choices, from goto (itlog, manok, laman), to local spaghetti version, puto (my fave is sapin-sapin; meron ding biko) at iba pang miscellaneous items tulad ng tokwa’t baboy at lumpiang togue. Classic. Pero, still the best.


*bakit di sasarap eh sinangkutsa sa patis ang manok at laman, yuuum!

Ang panlasang lumaki talaga sa barangay ay babalik at babalik pa din sa nakasanayang mga pagkain. Bukod sa busog ang tiyan, there is a certain feeling of comfort ‘pag nakakakain ako ng mga pagkaing ganito.


*single-serve tokwa't baboy Ps10

Bumabalik ang memory ng Pasko (ubos ang goto lagi dahil sa misa de gallo) at comfort food pag tag-ulan lalo na kapag baha ang Aplaya. Jampacked din panigurado pag may activity sa court (summer games, programs, atbp.)


Take me to the place I love, Aplaya pa ‘din. At ang mga pagkain dito. Syempre ang mga tao na din!


*puto, Ps10 per slice; Lumpia Ps7 per pc, 3-beinte


Next stop: hmmmn, libre mo ko sa barbeque-han ni ate Lorna, sa kin na ang sanlitrong RC. ;-)

Tuesday, August 30, 2011

Class Picture





Rewind. Rewind. Isang segundo mula sa makalampas isang dekada na ang nakakaraan, kinulong ng lente ang isang saglit ng ating kabataan. Mapagpanggap tayo noon bilang matatanda na ngunit malayo pala sa katotohanan. Click. Capture. Isa pa. ‘Oh, wacky naman’, sambit ng mamang litratista. Sa higit sampung taon nang tayo’y magkawalay, nasaan ka na ba? Naalala mo pa ba ako? O tulad ng litratong nakatago sa baul ng nakalipas nating panahon, ang alaala ay kupas at limot na.

Hayaan mong ipaalala ko sa ‘yo. Tayo’y mga humigit-kumulang lalabing-anim na taong mga gulang (maliban sa ilang mga nakakatanda). Ang tanging mga problema natin ay paano mag-cut class, o makakuha ng mataas na grade sa Calculus. Iyon ang panahong sikat pa ang Freestyle at ubos ang baon mo kaka-War Craft, kung kailan Motorola pa ang sikat na cellphone (pwede na ding Nokia 5110) at lalaban tayo nang patayan para manalo sa Cheerdance.

Fast forward nang kaunti. Graduation Night. Masaya ang lahat. Ito ang umpisa ng panibagong buhay nating lahat. Ito na din pala ang huling gabing makikita ko kayong lahat. ‘Yung kumpleto. Sana pala niyapos kita. Sana nagpasalamat ako sa ‘yo kung naging mabuti ka sa akin. O humingi ng paumanhin kung may isang beses man na nasaktan kita. Sana, sana.

Nakatitig ako ngayon sa class picture. Nakakatawa ang hitsura mo, tingan mo. Ito na lang ang alaala ko sa ‘yo, ito na lamang. Kung sakaling makakasalubong kita at ‘di na mamukhaan, ‘pagkat mabilis tayong binago ng panahon, kawayan mo naman ako o ngitian, batiin o kaya yakapin. Ipakilala mo ako sa asawa mo o kaya sa mga bulinggit mong bitbit. Hindi ko sinasadyang palagpasin ang pagkakataon nuong gabi ng pagtatapos. Na-excite lang ako marahil sa papadating na kinabukasan. Napakalaki kasi at nakakasilaw. Makalipas ang mga taon, ito na ‘yung kinabukasang tinatanaw-tanaw lang natin nuon.

Kamusta ka na kaya?
Sana makasalubong kita.
Sana lang naalala mo pa ako.
Sana, no?

Ngayon, kung may malapit na photobooth, maaari bang magpakuha tayo? Para naman mai-upload ko sa Facebook. Promise, ita-tag kita.


Wednesday, July 20, 2011

Sakto, not!




Ang Sakto, contrary to what is commonly perceived,for me ay 'di talaga sakto, kundi bitin. Spell that out, B-I-T-I-N.
Dahil bitin sa isa, bibili pa ng pangalawa. =)

Friday, July 1, 2011

july first

where have my two quarters gone?
moving on, cheers to the second half of 2011.
am ready for this.


short. sweet.

Friday, June 10, 2011

Coke is Lolooove!!


Finally, I was able to watch ‘Beastly’. What amazed me is the part of the story when Kyle (Alex Pettyfer) and Linda (Vanessa Hudgens) were reading this certain poem inside this rooftop greenhouse. My interest has nothing to do with the romantic scene, I was glad that seriously there is a poem with this title*, let’s drink to that…


Having A Coke With You

is even more fun than going top San Sebastain, Irun, Hendaye, Biarritz, Bayonne
or being sick to my stomach on the Travesera de Gracia in Barcelona
partly because in your orange shirt you look like a better happier St. Sebastian
partly because of my love for you, partly because of your love for yoghurt
partly because of the fluoresent orange tulips around the birches
partly because of the secrecy our smiles take on before people and statuary
it is hard to believe when I'm with you that there can be anything as still
as solemn as unpleasently definitive as statuary when right in front of it
in the warm New York 4 o'clock light we are drifting back and forth
between each other like a tree breathing through its spectacles
and the portrait show seems to have no faces in it at all, just paint
you suddenly wonder why in the world anyone ever did them I look
at you and I would rather look at you than all the portraits in the world
except possibly for the "Polish Rider" occasionally and anyway it's in the Frick
which thank heavens you haven't gone to yet so we can go together the first time
and the fact that you move so beautifully more or less takes care of Futurism
just as at home I never think of the "Nude Descending a Staircase" or
at a rehearsal a single drawing of Leonardo or Michaelangleo that used to wow me
and what good does all the research of the impressionists do them
when they never got the right person to stand near the tree when the sun sank
or for that matter Marino Marini when he didn't pick the rider as carefully
as the horse
it seems they were all cheated of some marvelous experience
which is not going to go wasted on me which is why I am telling you about it




*by Frank O’ Hara

Friday, May 27, 2011

27/ 27




Im now 27. That is thrice my age when I was in 3rd grade, men. Algebra lang. haha.

A boo? Or a yey? Either way, I just wanna thank everybody who remembered. Kudos to Facebook birthday reminder. Good job, as of 2203h 5/27, I got 155 wall posts, a few more PMs and SMSs.
First, lemme thank God, yes God, for being always patient with me. Sure is a tough year and imma ready for more. Bring ‘em on, I aint no laggard.

*teka nga bat ba im talking like a nigga?*

Seryoso, salamat po to family and friends for hanging around. Life is sweeter with you guys. So many things to be thankful for: everyday is such a gift. Good times. Bad times (na-ah, im not singing that Luther Vandross', harhar).

I will embrace them all.

Yay, I am getting melodramatic. Sign of ageing. Pagbigyan. From now on ang motto ko na sa buhay ay: ‘Thou shall not count’ (..your years). Thanks again ebribadi. And uh-oh, I can now categorize myself to the late twenty-ishes group. Reality bites. Lol.

lablablab. keykporyu. muuuunch.

(becky's cake)

Wednesday, April 20, 2011

ABRIL

Abril.
Bakit kaya makulimlim ang langit?
Kalangitang nagkulay abo at tila nagbabadya ng masamang panahon.
Panahong nakikidalamhati marahil.
Pagdadalamhating nais haplusin ng banayad na hangin.
Hanging susubok gamutin ang mga sugatang damdamin.
Mga damdaming pagal sa impit na iyak na nais kumawala.
Kumawala sa pait ng kanyang paglisan.
Kanyang paglisan na di inaasahan.
Mabilis.
Biglaan.
At di aral sa ritwal ng pamamaalam.

Paalam. Oo sa ‘yo.
Mukhang tutuloy ang pagsama ng panahon.
At bakit nga kaya makulimlim ang langit?
Di inaasahan isang araw sa buwan ng Abril.

Tuesday, February 8, 2011

Fliptop, Ang Tunay Na Liga



Fliptop -salitang una kong nabasa sa isang comment sa isang FB page. Sa totoo lang tunog tsinelas (Flipflops) kaya di ko talaga na-gets noong una kung ano ang ibig sabihin. Hanggang sa nakapanuod ako late last year ng isang episode sa Bubble Gang, si Michael V. at Wendell Ramos sa isang tila duwelo ng rap contest. Ang siste, may dalawang contestants mula sa magkaibang grupo ang magtutunggali at magsasagutan sa pamamagitan mg labanan ng mga salita (read: dapat rhyming). Kung baga sa on-line gamers, showdown ng trashtalks. Bibigyan ang bawat kalahok ng oras para sumagot (sa paraang pa-rap) sa kung anumang isyu na tinatalakay. Debate-Balagtasan-Rap all wrapped into one.
Ang Fliptop ay kinikilala bilang unang Filipino Rap Battle League. Matunog dito ang mga pangalang Loonie at Target at Datu at iba pa. Sa kasalukuyan, ginagamit na din ang salitang Fliptop upang tukuyin ang bagong istilo nga ng pag-rarap na nauuso sa kabataang Pinoy. Maaaring paniwalaang malaki pa din ang impluwensya nina Kiko Magalona (lirikal at makabuluhang tema), Andrew E. (rap Pinoy-style at pormahang may impluwensyang banyaga), Gloc-9 (bilis ng salita ngunit malinaw na naipararating ang mensahe) at iba pang Pinoy rap artists (Salbakutah atbp.) sa istilong ito.
Isa nga lang ba itong fad? O maaring bahagi ng pop culture? Ebolusyon ng rap sa Pinas? Maaari. Matulad kaya ang kapalaran nito sa Jejemonism? Kung ano man ang kahantungan, sana ay magamit ito upang: una, mag-promote ng kapatiran sa makabagong kabataan imbes na pagmulan ng gulo o riot; ikalawa, maging instrumento ng pagbibigay ng positibong pananaw sa bawat isa lalo na ukol sa usaping panlipunan; at huli, mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makapagsalita, mai-express ang sarili, mapakinggan, masuri ang nilalaman ng mensahe at nawa’y, sa huli, kapulutan ng aral .

♪♩♫♬ ♪♩♫♬
sige, unang subok sa fliptop
kala ko kasi tsinelas tunog flipflop
ano na? ano te?
iparating iyong mensahe
sa bilis ng utak at dila, audience tuloy na- tulaleeey
♪♩♫♬ ♪♩♫♬
‘I am the maaaaan from manila’,
yan ang awit ni kiko
kayat sali na p’re, kita tayo sa kanto
pramis, pakinggan kita, jamming tayo
pero parekoy pwde after school hours ang dwelo
♪♩♫♬ ♪♩♫♬


*credit to the image's owner*

Thursday, January 20, 2011

PUSANG GALA NAMAN, OH! (Oh, Stray Cat!)


PUSANG GALA NAMAN, OH!
(OH, STRAY CAT!)

Pusang gala, stray cat, pusang kalye, o pusa-kal – bakit nga ba kasi ang daming nagkalat na pusa sa kalye? Muntikan na kitang masagasaan kanina. Ikaw na ang may siyam na buhay. Ilan pa ba ang spare mo at ‘di ka yata natatakot magpatawid-tawid sa kalsada? Sa labanan ata kung ano’ng hayop ang may pinakamataas na insidente ng nasagasaan, ikaw na ang panalo. Tingin ko, wala ‘ni isang drayber (o pasahero o by-stander) ang magsasabing ‘di pa sila nakakakita ng pusang patay sa kalsada, higit na madalas sa iba pang miyembro ng Kindom Animalia. Basag ang bungo, duguan, labas ang bituka at kung mamalasin makailang ulit ka pang gugulungan ng mga kumakaripas na sasakyan. Kaya payo ko sa iyo, pusang gala konting ingat naman!

(**ang mga pusa sa larawan ay mga pusa namin sa bahay, technically hindi naman talaga namin pets kasi patawid-tawid sila sa 'ming magkakapitbahay.)