*busog
Hindi ko din alam kung bakit walang pangalan ang gotohang ito. So for the lack of name, just allow me to refer to my subject as ‘Goto Aplaya’, tutal sikat naman talaga sa ‘tin ang kainang ito.
Quick Question: Sino sa mga taga-Aplaya (o Poblacion) ang ‘ di pa nakakatikim ng selection sa gotohan ni Nana Norma?
Yap, ito ‘yung pwesto katabi ng basketball court. For as long as I can remember, nag-eexist na talaga itong kainan na ‘to. First inititated by the efforts of the then ‘Nana Pacing’, their ‘goto, et. al.’ has been part of the community’s morning (then) or afternoon food delight.
Patok talaga ito dahil bukod sa mura ay tiyak na masarap at masustansya. Through time, nag-evolve na din ang choices, from goto (itlog, manok, laman), to local spaghetti version, puto (my fave is sapin-sapin; meron ding biko) at iba pang miscellaneous items tulad ng tokwa’t baboy at lumpiang togue. Classic. Pero, still the best.
*bakit di sasarap eh sinangkutsa sa patis ang manok at laman, yuuum!
Ang panlasang lumaki talaga sa barangay ay babalik at babalik pa din sa nakasanayang mga pagkain. Bukod sa busog ang tiyan, there is a certain feeling of comfort ‘pag nakakakain ako ng mga pagkaing ganito.
*single-serve tokwa't baboy Ps10
Bumabalik ang memory ng Pasko (ubos ang goto lagi dahil sa misa de gallo) at comfort food pag tag-ulan lalo na kapag baha ang Aplaya. Jampacked din panigurado pag may activity sa court (summer games, programs, atbp.)
Take me to the place I love, Aplaya pa ‘din. At ang mga pagkain dito. Syempre ang mga tao na din!
*puto, Ps10 per slice; Lumpia Ps7 per pc, 3-beinte
Next stop: hmmmn, libre mo ko sa barbeque-han ni ate Lorna, sa kin na ang sanlitrong RC. ;-)