Ooops, sorry naman. Typo.
Eto pala dapat talaga ang title: How to lose a boil in five days. Lol.
Ang
Boil (o pigsa sa Tagalog) ay koleksyon ng ‘pus’ o 'abscess' na karaniwang sinasabayan ng
pamamaga ng balat at ‘tissues’ (Encarta, 2009). Naalala kong turo ni hayskul Health teacher,
ang medical term nito ay ‘furuncles’. Kapag hardcore furuncle na, ‘carbuncle’
na ang tawag. Kung titingnan para lang
talaga syang pimple sa umpisa. But since life is not fair, that little bump
suddenly turns into a monstrous scare – unimaginable. And you’ll just find
yourself uttering in sheer silence: Hassle!
I.
Dear
Staphylococcus
You
look family (familiar). Hmmn. Ilang beses na tayong may close encounters noong
college days. Pero back then, life was
sweeter. Ako kasi ang master sa laboratory at slave lang kita sa iyong
kulungang petri dish. Padadamihin kita (culture) at eventually ako din ang
magtatakda ng iyong death.
Ang
Staphylococcus ay isang uri ng
parasitic bacteria na common causative agent ng iba’t-ibang sakit, kasama na
nga dito ang pigsa. Particularly, ang genus na S. aureus ang dahilan ng skin-related infections tulad ng pigsa
atbp.
microbiologyinpictures.com/staphylococcus aureus |
II.
Caution:
Boil Area-- Do Not Cross
Tender.
Hot. Reddish. Inflamed. Painful.
Ano
sa tagalog ang tender? Basta parang hotdog pag pinindot.
Mainit (o parang kulob ang init).
Mamula-mula.
Namamaga.
Masakit.
Mainit (o parang kulob ang init).
Mamula-mula.
Namamaga.
Masakit.
Ito
ang ilan sa mga symptoms kapag ang inaakala mong pimple noong una ay bigla na
lamang uumbok palaki at nagpapakita ng mga nabanggit na sintomas.
Ang
sabi, init daw ang dahilan kung bakit nagkakapigsa. Pinalala ng condition kaya nauwi sa bacterial
infection.
III.
Beauty
is in the eye of the beholder. San banda, teh?
'Eye'
(o tip)—ito ang pinakasikat na parte ng pigsa.
Ito ang pinupuntirya mong paputukin para ma-drain ang pus sa loob. Normally, ang pamamaga at sakit ay dulot ng
pressure ng pigsa kapag hindi pa ito nahihinog (mature).
IV:
What to do in case of boils?
First
rule: Do not self-medicate. Pwede magbasa sa google (o manuod sa youtube) pero
wag paniwalaan ang lahat. Humingi ng
payo sa nakakatanda pero i-filter din at i-verify ang proposed remedies.
- Keep the area clean. Huwag hawakan at panggigilan. Madaling kumalat ang Staphyloccus at once magkaroon ng contamination, posibleng malipat o madagdagan pa ang pigsa mo to other locations.
- In my case, nakatulong ang mga sumusunod:
Warm compress to relieve the pain.
Koyo, blue-green minty liniment in
wax paper (mostly sa Chinese drugstore), na pinaniniwalaang nakakapagpahinog ng
pigsa. Soothing ang peg ng mint. Though, may nagsasabi na di daw talaga to
epektib (Dectractors, agad agad). Pero
sa kaso ko, nakatulong naman. Dalawang
piso isa (may tinda si Abil). Pinapaltan
ko every 6 hours kahit ang recommended ay kahit daily ang pagpalit.
Antibacterial medicine (do not
self-medicate). Dahil I have a lot of MD
friends (chos, mga kaklase ko nung college, hehe), nakapagtanong-tanong ako at
nagrereseta talaga para systemic ang pagpuksa sa bacteria. Isa pa, talagang lalagnatin ka sa sakit. Do not self-medicate, paulit-ulit? Dalawang
araw ko lang kasi ininom yung gamot, tinigil ko na nung pakiramdam kong okay
na. On the 3rd day, para na
naman akong nilalagnat. Takbo sa company
clinic at napagalitan ni nars dahil 7 days daw dapat inumin ng diretso ang
gamot. Do not self-medicate. Ako na ang madaming MD friends.
Others sa google (ewan kung totoo),
paki-commentan na lang ng True or False:
1-
Lagyan
ng boiled egg white yung swell.
2-
I-drain
ang pus gamit ang baso. Gawing parang suction (pressure, beybeh).
3-
Pahiran
ng gatas.
4-
Tadtaran
ng onions (dahil sa antiseptic property?).
5-
Dahon-dahon
sabi ni inay (herbal, alternative med dabest, libre pa)!
V:
What comes up must go down
Sa
cycle naman ng nature, ang anumang kondisyon ay temporary lang. Si mother
nature ay madaming paraang natural para pahupain ang isang natural
phenomena. Ang lahat ng sugat ay kusang
gagaling. May maiiwang marka, battle
scars! Chaar.
[insert mala-HIMYM, Year 2030: Kids, in the
post-summer of 2012, Aunt Chie had to experience nature’s wrath. Just
after her 28th birthday, she had a boil.]
For
best results, go and have the doctor physically check the boil. In few days
time, naturally or mechanically, kailangan mai-drain out ang pus at ma-disinfect
ang wound.
Spell
HEAVEN!
After the trauma, I decided to finally consult a doctor:
Me: doc, dry na naman po. hanggang kelan antibiotic?
Doc: Patingin nga if tuyo na talaga.
THAT AWKWARD MOMENT WHEN THE GUY MD
WANTS TO VALIDATE IF THE BOIL HAS REALLY DRIED UP!
HINT: AXILLARY AREA, PRE. :-/
Die.
Die.