Huwag ikalungkot ang kaisipang kailangan ko nang lumisan
May nalalabi pang milyong segundo bago kita tuluyang iwanan
Ikulong mo munti kong kamay sa yong mga daliri
Damhin ang katahimikan at ipinid na ang mga labi
Dingging mabuti ang usal sa bawat pintig ng puso
Bumubulong ang orasang segundo’y ubos na, aalis na ako
Tandaang kahit maubos pa ang panahon
Pareho lang tayong naging alipin ng pagkakataon
Kaya’t di man sanay sa mga ritwal ng pamamaalam
Hayaang ating napagsaluha’y mabura na’t maparam
Ngayon, mga kamay mo’y tuluyan ko nang bibitawan
Pagkat ating milyong segundo’y nahatulan na ng kamatayan.
No comments:
Post a Comment