Tuesday, February 8, 2011

Fliptop, Ang Tunay Na Liga



Fliptop -salitang una kong nabasa sa isang comment sa isang FB page. Sa totoo lang tunog tsinelas (Flipflops) kaya di ko talaga na-gets noong una kung ano ang ibig sabihin. Hanggang sa nakapanuod ako late last year ng isang episode sa Bubble Gang, si Michael V. at Wendell Ramos sa isang tila duwelo ng rap contest. Ang siste, may dalawang contestants mula sa magkaibang grupo ang magtutunggali at magsasagutan sa pamamagitan mg labanan ng mga salita (read: dapat rhyming). Kung baga sa on-line gamers, showdown ng trashtalks. Bibigyan ang bawat kalahok ng oras para sumagot (sa paraang pa-rap) sa kung anumang isyu na tinatalakay. Debate-Balagtasan-Rap all wrapped into one.
Ang Fliptop ay kinikilala bilang unang Filipino Rap Battle League. Matunog dito ang mga pangalang Loonie at Target at Datu at iba pa. Sa kasalukuyan, ginagamit na din ang salitang Fliptop upang tukuyin ang bagong istilo nga ng pag-rarap na nauuso sa kabataang Pinoy. Maaaring paniwalaang malaki pa din ang impluwensya nina Kiko Magalona (lirikal at makabuluhang tema), Andrew E. (rap Pinoy-style at pormahang may impluwensyang banyaga), Gloc-9 (bilis ng salita ngunit malinaw na naipararating ang mensahe) at iba pang Pinoy rap artists (Salbakutah atbp.) sa istilong ito.
Isa nga lang ba itong fad? O maaring bahagi ng pop culture? Ebolusyon ng rap sa Pinas? Maaari. Matulad kaya ang kapalaran nito sa Jejemonism? Kung ano man ang kahantungan, sana ay magamit ito upang: una, mag-promote ng kapatiran sa makabagong kabataan imbes na pagmulan ng gulo o riot; ikalawa, maging instrumento ng pagbibigay ng positibong pananaw sa bawat isa lalo na ukol sa usaping panlipunan; at huli, mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makapagsalita, mai-express ang sarili, mapakinggan, masuri ang nilalaman ng mensahe at nawa’y, sa huli, kapulutan ng aral .

♪♩♫♬ ♪♩♫♬
sige, unang subok sa fliptop
kala ko kasi tsinelas tunog flipflop
ano na? ano te?
iparating iyong mensahe
sa bilis ng utak at dila, audience tuloy na- tulaleeey
♪♩♫♬ ♪♩♫♬
‘I am the maaaaan from manila’,
yan ang awit ni kiko
kayat sali na p’re, kita tayo sa kanto
pramis, pakinggan kita, jamming tayo
pero parekoy pwde after school hours ang dwelo
♪♩♫♬ ♪♩♫♬


*credit to the image's owner*

No comments:

Post a Comment