Sunday, June 3, 2012

How to lose a boy in five days



Ooops, sorry naman. Typo. Eto pala dapat talaga ang title: How to lose a boil in five days. Lol.

Ang Boil (o pigsa sa Tagalog) ay koleksyon ng ‘pus’ o 'abscess' na karaniwang sinasabayan ng pamamaga ng balat at ‘tissues’ (Encarta, 2009).  Naalala kong turo ni hayskul Health teacher, ang medical term nito ay ‘furuncles’. Kapag hardcore furuncle na, ‘carbuncle’ na ang tawag.  Kung titingnan para lang talaga syang pimple sa umpisa. But since life is not fair, that little bump suddenly turns into a monstrous scare – unimaginable. And you’ll just find yourself uttering in sheer silence: Hassle!

I.              Dear Staphylococcus

You look family (familiar). Hmmn.  Ilang beses na tayong may close encounters noong college days.  Pero back then, life was sweeter. Ako kasi ang master sa laboratory at slave lang kita sa iyong kulungang petri dish.  Padadamihin kita (culture) at eventually ako din ang magtatakda ng iyong death.
Ang Staphylococcus ay isang uri ng parasitic bacteria na common causative agent ng iba’t-ibang sakit, kasama na nga dito ang pigsa. Particularly, ang genus na S. aureus ang dahilan ng skin-related infections tulad ng pigsa atbp.
microbiologyinpictures.com/staphylococcus aureus

II.             Caution: Boil Area-- Do Not Cross

Tender. Hot. Reddish. Inflamed. Painful.

Ano sa tagalog ang tender? Basta parang hotdog pag pinindot. 
Mainit (o parang kulob ang init).
Mamula-mula.
Namamaga. 
Masakit.

Ito ang ilan sa mga symptoms kapag ang inaakala mong pimple noong una ay bigla na lamang uumbok palaki at nagpapakita ng mga nabanggit na sintomas.

Ang sabi, init daw ang dahilan kung bakit nagkakapigsa.  Pinalala ng condition kaya nauwi sa bacterial infection.

III.            Beauty is in the eye of the beholder. San banda, teh?

'Eye' (o tip)—ito ang pinakasikat na parte ng pigsa.  Ito ang pinupuntirya mong paputukin para ma-drain ang pus sa loob.  Normally, ang pamamaga at sakit ay dulot ng pressure ng pigsa kapag hindi pa ito nahihinog (mature).
IV: What to do in case of boils?

First rule: Do not self-medicate. Pwede magbasa sa google (o manuod sa youtube) pero wag paniwalaan ang lahat.  Humingi ng payo sa nakakatanda pero i-filter din at i-verify ang proposed remedies.

  1.  Keep the area clean.  Huwag hawakan at panggigilan.  Madaling kumalat ang Staphyloccus at once magkaroon ng contamination, posibleng malipat o madagdagan pa ang pigsa mo to other locations.                   
  2. In my case, nakatulong ang mga sumusunod:
Warm compress to relieve the pain. 

Koyo, blue-green minty liniment in wax paper (mostly sa Chinese drugstore), na pinaniniwalaang nakakapagpahinog ng pigsa.  Soothing ang peg ng mint.  Though, may nagsasabi na di daw talaga to epektib (Dectractors, agad agad).  Pero sa kaso ko, nakatulong naman.  Dalawang piso isa (may tinda si Abil).  Pinapaltan ko every 6 hours kahit ang recommended ay kahit daily ang pagpalit.

Antibacterial medicine (do not self-medicate).  Dahil I have a lot of MD friends (chos, mga kaklase ko nung college, hehe), nakapagtanong-tanong ako at nagrereseta talaga para systemic ang pagpuksa sa bacteria.  Isa pa, talagang lalagnatin ka sa sakit.  Do not self-medicate, paulit-ulit? Dalawang araw ko lang kasi ininom yung gamot, tinigil ko na nung pakiramdam kong okay na.  On the 3rd day, para na naman akong nilalagnat.  Takbo sa company clinic at napagalitan ni nars dahil 7 days daw dapat inumin ng diretso ang gamot.  Do not self-medicate.  Ako na ang madaming MD friends.

Others sa google (ewan kung totoo), paki-commentan na lang ng True or False: 

1-     Lagyan ng boiled egg white yung swell.
2-     I-drain ang pus gamit ang baso. Gawing parang suction (pressure, beybeh).
3-     Pahiran ng gatas.
4-     Tadtaran ng onions (dahil sa antiseptic property?).
5-     Dahon-dahon sabi ni inay (herbal, alternative med dabest, libre pa)!

V: What comes up must go down
Sa cycle naman ng nature, ang anumang kondisyon ay temporary lang. Si mother nature ay madaming paraang natural para pahupain ang isang natural phenomena.  Ang lahat ng sugat ay kusang gagaling.  May maiiwang marka, battle scars! Chaar.
 
[insert mala-HIMYM, Year 2030: Kids, in the post-summer of 2012, Aunt Chie had to experience nature’s  wrath.  Just after her 28th birthday, she had a boil.]
For best results, go and have the doctor physically check the boil. In few days time, naturally or mechanically, kailangan mai-drain out ang pus at ma-disinfect ang wound.  
Spell HEAVEN!

After the trauma, I decided to finally consult a doctor:

Me: doc, dry na naman po.  hanggang kelan antibiotic?
Doc: Patingin nga if tuyo na talaga.

THAT AWKWARD MOMENT WHEN THE GUY MD
WANTS TO VALIDATE IF THE BOIL HAS REALLY DRIED UP!
HINT: AXILLARY AREA, PRE. :-/

Die. 










2 comments:

  1. chie! you got me with the title, akala ko eto na talaga haha

    refreshing talaga ka magsulat din! salute! pati pigsa interesting basahin hehehe

    at hehehe di mo na sway si doc to take your words for it? ^_^

    Penfires

    ReplyDelete
  2. Paano po dinidikit yung kuyo? matigas po siya na green na nakadikit sa papel

    ReplyDelete