Saturday, March 27, 2010

butil

Hinubad ko ang tsinelas na nakasapin sa aking mga paa, aking mga paa na marahil ay napagal sa ilang oras na paglalakad. At sa muling pagtapak nito sa buhangin ay nakaramdam ako ng lamig, lamig na marahil ay dulot ng hangin mula sa dagat na humahalik sa akin, sa aking kabuuan. Bahagyang kakaiba sapagkat ito’y nanunuot, ngunit salamat na rin sapagkat parang may kakayahan ang hangin na magpagaling, magpagaling ng kung anumang tila sakit na nagpapahina sa akin ng mga oras na iyon.
Umupo akong sadyang nakaharap sa buntalang araw. Ninanamnam ang init na kay sarap. Ang timpla ng lamig ng hanging habagat at init ni Haring Araw ay habangbuhay na magiging perpekto para sa aking panlasa. Ang aking mga kamay ay nagsimulang maglaro ng mga butil ng buhangin. Pilit ko silang ikinukulong sa aking mga palad, ikinulong ng sobrang higpit. Nakapagtataka na kahit anong ingat ko ay mayroong pa ring mga butil na matagumpay na kumakawala. Marahil ay ayaw nila sa akin. Marahil ay hindi sila para sa akin. Muli at paulit-ulit ko silang sinubukang ikulong sa aking tiklop na mga palad, ngunit sa paulit-ulit ding pagkakataon, sila pa rin ay kumakawala, kumakawala pabalik sa kanilang dapat yata talagang kalagyan.

Sunday, March 14, 2010

UBO, UBO, UBO (10/23/2007)

Ubo. Ubo. Ubo. Hay, five days na kong inuubo at mukhang lumalala pa. Sumasakit na abdominal muscles ko kaka-exert ng effort para umubo (medyo dry ksi). Na-try ko na yata lahat ng gamot na pwedeng subukan ng isang nagse-self-medicate. As if, walang (masyadong) effect. Bad trip. Well, uminom na ko ng mucolytic (break the mucous), mucosolvan (soothes the irritation), decongestants (mas gwapo nga si ariel kay maverick but just the same: pls get a life!) at traditional gaya ng klamansi juice (na di ko talaga matimpla ng perfect). Suggestion ni mudra ay pahamugan ko daw ung kalamansi juice overnyt. Tapos gumisina ako lyk 5am para inumin yun. Malamang may side effect: gagaling ang ubo pero sasakit ang sikmura (so i’l choose the lesser evil, alin naman kaya?).
Andiyan din ang walang kamatayang Vicks Vaporub, TM (haplos ng pagmamahal, haha). Hagod sa likod, sa dibdib, sa lalamunan, bandang paligid ng philtrum (infranasal depression; the vertical indentation in the midline of the upper lip)..pero pls wag sa nostrils, for external use only lang ang rubs. Na-relieve lag ako ng ten minutes. Pwede ko bang paniwalain na lang ang sarili ko na through chronic use ay ng-develop na ko ng immunity sa vicks kaya di na mabisa? May ibang choice naman, may Medirub (TM) sa bahay. Kinda cool may halong nutmeg sabi sa label. Hay!
Apparently, im trapped sa sakit na to. Gusto ko na lang pabayaan (like the usual). Pero napanuod ko ang commercial ng Neozep (TM) at sabi nga nung Clifford guy …"di dapat binabalewala ang sipon (at iba pang kapatid na sakit nito)" .
Basta.Na-realize ko lang paang ubo din ang turing ko sa madamig bagay. Pag nabad-trip, gagawan ng paraan pero pag walang effect magreresort sa pagpapabaya as in deadma na lang…which is hindi maganda…Lagi akong ganyan, lagi tayong ganyan…sa takot na di magapi ang kalaban (emotional strifes, physical pains, personal challenges, among others) ay mananahimik na lang. Wag ganon.
Sabi uli, "…Coughing can be a distressful and uncomfortable experience. It is, however, an integral part of the body’s self-cleaning mechanism. A cough mainly has the function to clear the airways, thereby protecting the lungs"..Simple. Bahagi na ng buhay ang ubo. Bahagi na ng buhay ang problema. Isang paraan ang ubo para malinis ang maduming bahagi ng ating respi sytem. Isang paraan din ang mga problema para subukin at linisin muli ang ating medyo nagbabalahura ng pagkakatao…
Badtrip. Ayaw pa ding gumaling ng ubo ko…

Saturday, March 13, 2010

paalam sa aking mariposa

(isang paggunita sa aking pangalawang tahanan)

Saksi ako sa iyong ebolusyon. Mula sa pagiging munting nilalang na niyakap ng mayabong na mga dahon ay nasaksihan ko ang paglipad mo sa kalangitan bilang isang magandang mariposa. Buong tapang kang nakisalamuha sa bawat daluyong ng malakas na hangin sa paghahanap mo ng iyong alapaap. Ngayon ang oras ng iyong pamamaalam ay dumating na—ang oras upang ikaw ay mamahinga. Sapagkat alinmang paglalakbay ay nakakapagod din. Sapagkat ang bawat pagkampay ng iyong mga pakpak ay mayroon ding katapusan. Sapagkat ang buhay ay humahantong din sa, malungkot nga marahil, isang sukdulan.
Dinadalaw ako sa aking pagtulog ng iyong mga gunita—mga alaala ng aking kamusmusan at kamulatan sa iyong dibdib bilang aking pangalawang tahanan. Kaybilis nga naman ng panahon. Mahigit isa’t kalahating dekada na pala ang nakakalipas nang una kong itapak ang aking mga munting paa sa iyong munting mundo. Pagkabalisa at kaba ang bumalot nuon sa aking puso na hindi ko sigurado kung handa na nga bang harapin ang panibagong yugto ng aking buhay bilang isang mag-aaral. Pinalibutan ako ng maraming mukha na hindi ko kilala. Maraming bagay ang nasa paligid ko na hindi ko alam kung para saan at maraming mga pangyayari pala ang nakatakdang maganap sa iyong mundo na magpapabago din sa pag-inog ng nakasanayan kong mundo.
Itinuring natin ang isa’t isa bilang estranghero nuong umpisa. Ngunit sa paglipas ng oras ay sumibol ang isang hindi inaasahang pagkakaibigan sa pagitan natin. Mula nuon ay inaabangan ko na ang pagsapit ng bagong umaga sapagkat tanda iyon ng ating muling pagkikita. Marami akong natutunan sa iyo at sa palagay ko gayun ka din naman sa akin at sa iba ko pang mga kasabayan na hinayaan mo ding maglakbay sa iyong mundo.
Ngunit tulad din ng ibang tipikal na samahan, hindi laging masaya ang mga kaganapan sa pagitan natin. Minsan mayroon talagang mga hindi inaasahang mga bagay na hindi natin mapagkasunduan. Pero ayos lang sapagkat marami akong natutuhang kabuluhan ng buhay dahil sa mga iyon. Ito na rin siguro ang pagkakataon upang ipaabot ko sa iyo ang aking pasasalamat sa lahat ng naituro mo sa akin—pagiging matatag sa oras ng hirap at sa pagtuloy na paglaban gaano man kadalas ang pagdating ng mga sigalot ng buhay. Isang napakalaking papel ang ginampanan mo sa maraming mga buhay at henerasyon na naging bahagi mo.
Saksi tayo sa ebolusyon ng bawat isa sa atin. Nakita mo na ang lahat ng emosyong bumalot sa aking katauhan—saya, luha, halakhak, hinagpis at pag-ibig. Batid kong marihap gampanan ang papel na itinakda sa iyo ng langit sapagkat ito ay ang ang pagtulong sa mga magulang sa paghulma ng maraming buhay na sana ay maging kapaki-pakinabang sa ating lipunan. Ni minsan ay hindi ko narinig ang iyong mga daing. Puno ka ng pag-asa at isa ang katangian mong ito kung bakit lalo kitang pinahalagahan. Alam kong hindi madali ang lahat ng pinagdaanan mo upang tugunan ang isang tungkulin para sa kabataan. Hanga ang puso ko sa pinamalas mong katapangan at dedikasyon. Ramdam ko ang mga dinanas mong hirap ngunit nanatili ka pa ring pipi at alam kong ginawa mo iyon upang alisin ang aking pag-aalala.
At ngayong nakatakda na ang iyong paglisan ay baunin mo muli ang aking pasasalamat at pagmamahal. Ang iyong alaala ay mananatili sapagkat ang iyong mga naiturong aral ay hindi magagawang burahin ng isang paalam. Nais kong malaman mo na napagtagumpayan mo ang iyong layunin. Narating mo man ang sukdulan ng iyong paglalakbay, ang alaala ng ating pinagsamahan ay nakaukit na aking puso. Hindi nito magagawang makalimot sa iyo, pangako. Habangbuhay na magbabaga ang iyong apoy sa aking gunita. Sa tulong mo ay natuklasan ko ang hiwaga laban sa katotohanan ng buhay. Sa tulong mo ay nakilala ko ang aking sarili. At sa tulong mo ay natutunan ko ng lumipad matapos ang napakaraming pagbagsak– upang bagtasin sa pagkakataong ito ang daan sa paghahanap ng sarili kong mundo. Salamat muli at hinayaan mo akong makapasok upang makasabay sa pag-inog ng iyong mundo. Paalam aking mariposa. Mananatili kang pinakamarikit para sa akin.

PERSTAYM


dahan-dahan kong ibinuka ang munti mong mga
binti.isinabay ko na rin ang yong mga
kamay habang tahimik ka lang na nakahimlay..nakatitig sa
kawalan…nakamasid ngunit halatang
pinghaharian ka
ng takot.pareho tyong tuliro..binalot din
ng kaba ang
buo kong pagkatao..parang binalot ng
yelo ang
paligid ko. alam ko, naintindihan ko
mas matindi
ang dinadanas mong takot…patawad
kinailangan ko
lang gawin sa pangambang di na maulit ang
pagkakataong iyon.masakit,oo..tiniis
mo..walang
pagsidlan ang tuwa ko.itinarak ko ang
munti kong
sandata taas hanggang pababa..unti-unti’y
sumirit ang
pulang dugo.parehas tayong nangatal sa
pagsilakbo
ng isang estrangherong
damdamin.tagumpay!!!
Muli patawad sa yo munting palakang
Bufo..labag man sa
kalooban ko kinailangan lang kitang idissect
para pumasa
ako sa bio 3 ni mam toreta.

NAKA-ALERTO..BEINTE-KWATRO

for my 24th bday

naisip ko lang lucky number din ata ang 24 kc para siyang pulitiko–public figure masyado.. –24 longitudinal lines ang humahati sa globe into time zones.. –24 beer cans/bottles at softdrinks meron sa isang case –24 na itlog sa isang tray –24 na oras sa isang araw –24 na zodiac signs (combined western/eastern astrology) –sumikat din naman ang tv series na 24 –at ako,nag-24 nanung makalawa… …d point is wala lang…gusto kolang mag-isip ng maganda tungkol sa tumatandang edad ko.. –kung ang isang taon ng buhay ko ay ay isang time zone sa globo..ibig sabihin nalibot ko ang buong mundo at kung paatras ang ikot ko..ibig sabihin nag-around d world ako in one day.. –kung ang isang taon ng buhay ko ay katumbas ng isang oras sa relo, ibig sabihin nakabuo naako ng isang buong araw… —ironic, parang katapusan ang simbolo ng numerong ito..pero depende pa din sa titingin dahil para sakin,..isa na naman itong simula ng panibagong paglalakbay sa pagsisimula panibagong araw…(redundant,i know) …..kaya sa lahat ng bumati,nakaalala,kumanta ng hapi bday sa celfone,ngmsg sa cel, sa friendster atbp media maiparating lang ang message of love at eternal gift of friendship…sa mga patuloy na nagmamahal…salamat sa pagbati…ang tanda ko na pero eto parin naka-alerto…beinte kwatro…

KAUUUUULAYAW

kaulayaw

nararamdaman ko na naman ang muling
pagtakas ng aking ulirat. katawan ko’y
tila batubalani pa ring nakapagkit sa
pagkakahimlay sa natatangi kong
kaulayaw nitong nakalipas na panahon–
ang aking kama. nakapako na ang aking
likod na panatag na dinuduyan ng
malambot na higaang ito…unti-unti ang
pagbigat ng mga talukap at sa susunod na
iglap ay wala na akong maalala. tuluyan
na siyang tumakas..umalis palayo. di
ko alam kung aasahan ko pa ang kanyang
pagbabalik. kung hindi man, ayos lang
din. ang ganitong pagkakataon ay
ipagpapalit ko sa anumang bagay sa mun
dong ito. mabubuhay na lamang akong
muli marahil sa pagsikat ng buntalang
araw..at sa oras na iyon ay kaabikat na
ang aking pagngiti…ngiti na sana’y
hindi burahin ng maghapon na namang
pagpapapagal sa mundong ito. nawa’y
salubungin pa rin ng ngiting ito ang
muling pagtakas ng aking ulirat
mamayang gabi–sa muling pagyapos ko sa
aking dakilang kaulayaw–ang aking kama!!

BIOPHILE

I am a biophile by heart for nature and I are one, single unit designed by a cosmic force. I am an open system breathing and respiring back the air from its origin, in one form or another–to my sibling plants. I am a living order of complex yet organized patterns. This is my life, my earth and my universe. For now, I may be a flesh but soon, I will be back to where I came to fulfill my fate– and that is to become united once again to my dear land, degraded into a form that will be usable once again to my brother species. BIO ROCKS (literally and figuratively, he he)

videoke queen

Madalas siyang pumasok sa loob ng bahay namin kahit walang paalam. Awtomatiko na ang pagkambiyo ng kanyang katawan sa kusina upang tingnan kung may laman pa ang paminggalan. Dudukot, kukurot at nanamnamin ang sarap ng natirang ulam at kaning bahaw upang tugunan ang hinaing at rebolusyon ng kanyang kanina pa nag-aalburotong kalamnan. Hindi rin natatapos ang kanyang ‘pagdalaw’ kung hindi siya magtitimpla ng mainit na kape, minsan kahit walang asukal, napagtitiyagaan na rin. May nakabukod ng baso para sa kanya upang mainuman. Alam niya kung saang kabinet sa kusina nakalagay iyon—isang kahel na baso na nakuha ko ng libre minsang may promo sa grocery. Masaya siya kapag hawak niya ang basong iyon. Marahil ito ay dahil batid niyang ilang oras pa mula sa tagpong iyon ang bibilangin niya upang muling mamroblema sa muling pagkalam ng kanyang sikmura. Mga pito hanggang sampung oras pa ang muli niyang hihintayin upang muling maghanap ng prospect na bahay na pwede niyang ‘dalawin’.

Malalim na ang gabi ngunit naririnig ko pa rin ang boses niya mula sa videoke machine sa kalapit na pseudo-beerhouse (hindi talaga beerhouse, mukha lang). Ang malas ko naman, naisip ko, dahil sa lahat naman ng pwedeng pagtayuan ng bahay namin, doon pa sa tabing kalsada na malapit sa pseudo-beerhouse na ito. Durog na ang eardrum ko sa ingay ng mga nag-iinumang mga ‘tambay. Hindi ako makatulog. Hindi ko sigurado kung dahil nga ba ito talaga sa ingay ng bibig ng mga lasenggong iyon o dahil sa totoo lang ay naaliw na rin ako sa pakikinig sa kanyang pagkanta. Ilang piyesa na ang kanyang naaawit at ako naman ay nananatiling tirik ang mga mata habang sumisirko sa kama. Pinakikinggan ko siya at naisip kong mahusay talaga siya. Hindi na ko naaawa sa sarili ko kung hindi pa ako makatulog. Nabaling na ang awa ko sa kanya. Ang mga ‘tambay nga namang ito oo, walang habas ang pilit sa kanyang bumirit kahit magkapatid-patid na ang kanyang mga litid sa pag-abot ng mga letra ng kanta. At ang kapalit ng kanyang performance-level na song numbers ay walang iba kundi libreng pulutan na kornik, mani at mamisong sitsaron. Kung susuwertihin may libre na ding tagay. Wala siyang magawa, alam ko dahil kahit tumutol siya ay wala din namang mababago sa buhay niya.

Lilipas na naman ang magdamag at patuloy pa rin ang mundo sa kanyang pag-inog sa axis. Minsan sa aking paglabas ng bahay upang sumaglit sa tindahan ay namataan ko siya. Nakamasid siya sa bawat bumibili upang magbakasakali na may mag-abot sa kanya ng barya. Ang kanyang mga mata ay parang nangungusap na, ‘ganito na naman ako at wala akong magawa’. Kinukurot ang puso ko sa tuwing tatapunan ko siya ng tingin. Bawat kalansing ng naiipon niyang mga barya ay may kakambal na ningning sa kanyang mga mata. Ito ang tunay na musika para sa kanya—ang ritmo ng nagkakagulong mga barya sa kanyang tatagnang lumang panyolito. Ahhh, wala na ngang mas gaganda pang lyrics at musical arrangement sa mga kalansing nito.

Kilalang-kilala siya sa lugar namin. At bakit nga naman hindi, isa yata siya sa may pinakamagandang mukha nuong kanyang kabataan. Hanggang ngayon ay may bakas pa rin naman ng lumipas na kariktang iyon. Ilang Hapon kaya ang nabaliw sa kanya. Limpak-limpak na bilog siguro ang kinita ng mukha at boses niyang iyon noon sa Japan. Pwede nga siguro talaga siyang tawaging Japayuki. Ewan ko lang, kasi iyong iba preferred na tawagin na lang silang entertainters, may iba daw kasing connotation iyong una. Iba nga talaga ang dating dahil kahit nuong bata pa ako ay mulat na ako sa masamang tingin iniuukol ng ating lipunan sa mga Japayuki. Masama ang pumunta sa Japan. Hindi tamang maging Japayuki dahil iyon ay masama, nakakasuka at nakapandidiri. Kapokpokan…kaputahan! Iyan ang itinuro sa akin ng aking lipunan. Akin iyong walang gatol na tinanggap.

Hmmmp, sa palagay ko, hindi pala palagay dahil sigurado akong marami din naman ang nakinabang sa kanyang napadalang pera para sa kanyang pamilya dito sa “Pinas. Kung alam ko lang kung paano nila nilustay ang perang iyon na katumbas ay magdamagang pakikibaka sa isang estrangherong lupain. Wala na nga sigurong pinagkaiba ang araw at gabi. Hindi na nga niya siguro pansin ang pagpalit ng mga araw sa kalendaryo para kumita ng sandamukal na salapi upang ibusal sa mga nagmamantikang mga bibig ng kanyang kapamilya at ng iba pang nagpapanggap na kapamilya.

Ngunit iba na ngayon. Malaki na ang ipinagkaiba niya sa dati. Lamang lang siya ng kaunti kay Sisa ngayon. Lamang siya dahil mahusay pa rin niyang naaawit ang mga kanta kahit hindi tumitingin sa monitor ng videoke machine. Saulo ng puso niya ang bawat letra ng mga awiting iyon. Walang binatbat ang mga contestants ng Todo-Knockout game sa Eat Bulaga. Iba na ngayon dahil wala na ang pamilyang pinaglingkuran niya nuong hindi pa naluluto ng droga ang utak niya. Iba na nagyon dahil wala ng pera, wala ng pagkain, wala ng damit at wala man lang ni isang makaalala sa kanyang kabayanihan. Madalas na alipustahin dahil sa kanyang pagkabaliw, madalas makutya, madalas paglaruan. Wala na nga ang pamilya, tuluyan pang tinatalikuran ng lipunang minsan na ring nakinabang sa kanya. Ito ang lipunang hindi marunong umintindi at walang ibang alam kundi ang manghusga—na akin lamang tinanggap.

Papasok na naman siya sa pintuan, ngayon sa may kapitbahay naman. Lumipas na naman kasi ang halos sampung oras at malamang ay gutom na naman siya. Maiibsan nang panandalian ang hapdi ng sikmura dulot ng gastric juices sa kanyang sikmura ngunit sana dumating pa rin ang panahon kung kailan ang sugat dulot ng nakalipas ay maghilom na rin. Hindi ko alam kung manhid na siya sa sakit o hindi na lang talaga abot ng kanyang kamalayan ngayon upang intindinhin ang kanyang kalagayan. Para sa akin, daig niya ang sinupaman dahil patuloy pa rin ang kanyang paglaban sa lipunang hindi naman siya mabigyan ng matinong puwang ngunit tuloy pa rin sa paglibak sa kanya. Ang awit niya ang kanyang gabay tungo sa isang paglalakbay sa mundong walang kasiguraduhan. Hanga ang puso ko sa iyo, dakilang Videoke Queen!

assorted eh!

CELESTIAL BODIES

Araw, huwag opagdamutan ng liwanag ang aking buwan,
Upang mundo’y magsimulang uminog kasabay ang iba pang buntalan,
Bigyang buhay at muling paandarin mga kamay ng orasan,
Lumubog ka man at palitan ng tala sa kalangitan…
Asahan ang pangakong bukas muli kitang aabangan.

ULAP, LUPA

Walang ibang alam ipinta ang mga ulap kundi ang iyong mukha
Tanaw ang mga kumikislap na mga matang tila nagsasalita
Ngunit kaybilis maparam ng alapaap, unti-unting nawawala
Sa ihip ng hangi’y tuluyang nabubura, maski usal na dasal ay walang magawa
Pinaliligaya lang nang saglit ang puso ng maalam dumakila
Kawangis ay binhing ‘di nadiligan,
nalanta,
namaalam,
yumukod,
at humalik sa lupa.

MORNING GLORY

Sa nakalipas mong gabi’y, ako’y isa lang alaala,
Piping saksi sa mga panaginip na maligaya,
Takot ako at nakasiksik sa magkabilang sulok,
Kasama ko’y walang iba kundi luha’t alikabok.
Bigyan mo naman ako kahit ng konting pansin,
Masaya na akong maambunan ng iyong tingin,
Bakit sa tuwing makikita’y gusto na agad paalisin,
Kailan ba kasi hiling ko sa Diyos ay diringgin?
Kahit palayasin mo pa ako ng pilit,
Katawan ko pa rin sa iyo’y ikakapit,
Ngunit sa huli’y lakas mo pa rin ang mananaig,
Pagkat ako’y itatapon at titilapong muli dito sa lamig,
Wala na nga siguro akong magagawa kundi tanggapin—ako’y isang hamak na muta
Sampid sa mata, titigas na lamang pag-ihip ng hangin.

EBOLUSYON NG ISANG SEGUNDO

Nauubos ang segundo, lumililipas mga minuto
Nagpapaligsahan ang mga kamay mo patungo sa direksyong di din sigurado
Araw ay natatapos, buong linggo’y di maigapos
Buwan ay namamaalam, santaong kaybilis maparam
Aabutin ng dekada’t siglo, mauubos pati laman ng kalendaryo
Dadating ang panahong nasa pahina na lamang ito ngunit nawa’y manatili sa di nakalilimot na puso.

MILYONG SEGUNDO

Huwag ikalungkot ang kaisipang kailangan ko nang lumisan
May nalalabi pang milyong segundo bago kita tuluyang iwanan
Ikulong mo munti kong kamay sa yong mga daliri
Damhin ang katahimikan at ipinid na lang ang mga labi
Dingging mabuti ang usal sa bawat pintig ng puso
Bumubulong ang orasang segundo’y ubos na, aalis na ako
Tandaang kahit maubos pa ang panahon
Pareho lang tayong naging alipin ng pagkakataon
Kaya’t di man sanay sa mga ritwal ng pamamaalam
Hayaang ating napagsaluha’y mabura na’t maparam
Ngayon, mga kamay mo’y tuluyan ko nang bibitawan
Pagkat ating milyong segundo’y nahatulan na ng kamatayan.


PARADOX

A myriad of screaming silence has been killing me—a dagger, a pierce caressing my soul with rains of blood. The deafness of its raging calmness—my dose of melancholy. The wind whispers the melody of grievance; the sky paints colored clouds of fear. The sea sings a lullaby to rear the blastula of angst. Is this a dream? Silence. A pilgrimage for liberty? Silence. A quest to answer such gluttony? Silence. Perhaps, a search to that labyrinth’s mysticism? Silence seems eternal. Cosmic force, I command you. Let me live, let me breathe by your invincible divinity. Alas, a voice blurted from that pointless abyss, ‘child, this isn’t a dream but a covenant bound by undeciphered truths.’ Sweet. Bitter. Reality. Conflict. Ambivalence. Tranquility. I am a paragon of unidentified flaws—a goddess of imperfections. Life is but a well of a thousand paradox.

I AM VENUS

I am Venus, could you be my Mercury?
Though light years apart, we can still exist in harmony
Go follow your path and I will traverse mine
Start moving our worlds in perfect rhyme
As other planets rotate, they too, can revolve
While comets collide, let dear Earth evolve
The sun in its highness springs its brilliance
While the face of the moon boasts a gleaming radiance
Be it a ring of fire fueled by sanity
I’ll still battle against the laws of gravity
No lines of an adage can ever conquer
For my heart is the shelter of a little warrior
So heaven and sky, grant me the rain
The rain that will thaw the frozen tears of pain
Tranquility my vastness soon shall conceive
The reward for tomorrow all stars will receive
Now I sow, soon I’ll reap
The fruits of a love
So fragile,
So sweet
I am the queen of my axis—your majesty
Forever I’ll reign in this imperial galaxy.

GOOD NIGHT, ANGEL

Ethereal being from the vast, starry sky
Soothe my soul with your melodic lullaby
Watch me as I fall asleep for another night
And calm this heart to meet its guiding light
See you as you wander in my enchanted dreams
Let me feel the warmth of my cherub’s wings
So good night to you, my little seraph
Grace by an angel sent by heaven above
For now, to you I bid a parting kiss
We’ll see each other tomorrow in perfect bliss

PAG-ANI

Akin nang sasakahin
aking mga pananim
sa munti kong lupain
bur’hin bahid ng lagim
ihanda ang sarili sa pag-ani
kuhanin ang sandatang tsani
sa tangang salamin di ka mahihirapan
sabay ipitin ang buhok sa pagitan
dahan dahan ngayon itong hilahin
gamitin ang lakas ito’y bunutin
isa,dalawa hanggang sila’y maubos
puputi, kikinis tanggal mga talbos
siguruhing nahila puno hanggang ugat
wala ding bakas ng pinagbunutan dapat
kahit mahirap, kahit mahapdi
masuot lang nabiling ispageti
sino bang nagdidikta ng maganda sa hindi,
babae’y dapat ba talagang walang buhok sa kilikili?

isponteynyus ii

Philosophy class. First meeting kaya gusto ng instructor namin na mag-pass kami sa isang one-fourth sheet ng aming five unique traits…I repeat five unique traits to be submitted sa next meeting. Submission day came at all papers are in. Masaya naman ang discussion ng class nang ang sumunod na papel na mabunot ni sir ay kay Trixie (FYI: lalaki siya at hindi babae). Nagtaka si sir kung bakit puro numbers ang nakalista sa one-fourth niya (1.0, 2.0, 3.0, 4.0, 5.0), kaya tinanong si Trixie bat ganun ang sagot niya. Nahihiya man ay inamin na din ni Trixie na ang akala niya ay five unique GRADES ang pinapagawa.(sa first meeting pa lang ng klase, be sure na nakuha mo na ang cell number ng seatmate mo…para may matanungan nga in case bigla na lang nababasag ang eardrum mo kung kailan mo siya kailangan)

———-

Never akong pumapasok sa klase na isa lang ang dalang ballpen. Girl scout yata ‘to—laging handa. Paano na lang pag nawalan ng tinta eh di patay na ko lalo pag exam. One day, inutos ng Asian History prof ko na I-compute ang midterm standing namin at isulat sa papel. Dahil time na at may kasunod nang gagamit ng room, binilin niyang ihabol na lang sa desk niya sa faculty ang papel ng mga di makaka-pasa. Pero dahil sobrang nagmamadali ako dahil may susunod pa kong class, sa labas na lang ako ng room nag-compute. Dahil walang desk/upuan, naisip kong sa pader na lang ipatong ang papel at doon gawin ang computations ko. Sa kamalasan nga naman ayaw tuminta ng ballpen ko…so kinuha ko ang isa ko pang ballpen..sa awa ng Diyos ayaw pa ring tuminta kaya for the third time, kinuha ko na ang isa ko pang reserved ballpen…ayaw pa ring tuminta. Sa sobrang kaasaran ko tinapon ko sa basurahan ung tatlong ballpen kong wala namang kwenta at dumiretso sa canteen para bumili na naman ng panibago. Na-compute ko na din at long last. Na-late ako sa sunod kong klase at ang masaklap pa nito na-realize ko na malamang hindi talaga titinta ang mga bolpen ng maayos kapag sa pader mo pinatong ang papel na pinagsusulatan mo (malamang ‘no, against the flow kaya ng tinta ang vertical plane ng pader/prerequisite pala ng mga Humanities subjects ang common sense…he he.)

———-

Katulong: (worried) Ate, dumating yung taga-homeowners, kailangan mo daw magbayad ng Mountain dew?

Ate: (bewildered) ha? Wala naman akong binibiling mountain dew ah???

(after two days, nagpadala na ng notice ang homeowners)

Notice: Mrs. (name)…we like to inform you that you have to settle this amount (PhP XXX) in payment of your MONTHLY DUES…

———-

Nanay: Anak, punta kang palengke bili ka ng pickles.

Anak: Ok.

Anak (to tindera): Ale, pabili po ng pickles beinte pesos.

Tindera: ‘yung buo o riles?

Anak: (nagtataka, hindi ma-gets ang tanong ng tindera) ho? Bakit po sa may riles po ba nagtitinda ng pickles?

Tindera: (naguguluhan na rin) Ano’ng sinasabi mo? Sabi ko anong bibilhin mo, buong pickles o pickles na riles (sabay abot ng dalawang lalagyan ng magkaibang uri ng pickles)

Anak: (binabasa ang labels) ah…okey po…pickle RELISH po (nagpipigil sa pagtawa).

Tindera: (asaaaarrrr!!!)

———-

Pasahero: (bagong sakay) Bayad po, diyan lang sa may IBON.

Driver: (nag-iisip) san ho ‘yun? Ngayon ko lang ho narinig yung lugar na yan ha.

Pasahero: (asar) ang tagal niyo ng driver ‘di niyo pa lam iyon eh diyan lang yun sa may bukana.

Driver: (nagtitimpi sa panghahamak sa kanya) Ah, sige ho pakituro na lang kung pababa na kayo…(polite pa din)

Pasahero: para (turo sa may karatula), dito ho yung IBON..

Driver: (basa sa karatula) Ah…dito pala yung sinasabi niyong AVON, sensya na tao lang!!! (halatang gusto nang makapatay, he he).

———-

Roll call sa isang gradeschool computer class habang busy ang mga students sa computer exercises….

Teacher: Abad….

Abad: present!

Teacher: Benitez…..

Benitez: present!

Teacher: Cruz……

Cruz (masyadong dedicated sa computer class): ENTER!!

———–

UNQUOTABLE QUOTES:

Subject label sa isang notebook: TRIGONOMISTRY (as in all caps at bold pa yan….ah, baka nalito lang sa chemistry at trigonomistry o kaya para tipid sa notebook, pinagsama na lang sa isang notebook yung dalawang subjects, talino no he he)

Student1: Ano’ng day ang exam natin?

Student 2: Ah bale, sa March 15 na ang GRAND FINALS natin (tama ba namang gawing dance/singing contest ang final exams…honestly, ako si student2 he he.)

PA-coñ01 to PA-coñ02: Pare, DID you WENT sa office?

PA-Sosi1 to PA-Sosi2: Gosh, sine-SEDUCT niya ung guy!!! (to mean sine-seduce)

———-

Amo: Inday, ano’ng nilagay mo sa ulo ni Junior?

Inday: Gel po…

Amo: Eh ba’t amoy alcohol at hindi naman tumitigas?

Inday: Eh kinuha ko po yung gel na nakalagay sa tokador sa CR

Amo (dali-daling tumakbo papuntang CR para tingnan ang sinasabing gel): Eh Purinse ‘to eh (hand sanitizer…grrrr/Purinse GEL nga naman ang nakalagay eh, justified…angal pa)

isponteynyus

*Minsan naisipan kong magtimpla ng kalamansi juice dahil sa nangangati kong lalamunan. Kailangan kong tapusin ang pagtitimpla agad dahil in a span of three tv commercials ay malamang mag-umpisa na ang aking favorite cartoon – Spongebob Squarepants. Hinanda ko na lahat: hiniwang kalamansi, asukal, tubig, baso at kutsara. Libang na libang ako sa pagpiga ng mga kalamansi hanggang sa bigla akong natauhan at na-realize ko na sa lababo ko pala pinipiga ang katas ng kalamansi habang ang mga napiga ko ng kalamansi ay sinu-shoot ko sa basong may tubig.

Aral: Huwag gawing paborito si Spongebob dahil nakaka-influence din minsan ang kanyang pagiging utak-spongha!

*Setting: UP Campus. Background info: First time kong magcommute mag-isa papunta dun. Time: Lunch, Summer (katirikan ng araw, May kasi ang enrollment ng freshman).

Dahil excited ako sa fastfood, naisip kong mag-Jollibee. Malapit lang yun mula sa UP Gate, natanaw ko iyon sa jeep noong papasok pa lang ako ng campus. Lakad sige lakad hanggang sa may nakita akong karatula: Jollibee 1km to go. Ayos, tunog malapit. Gaano ba kalayo ang 1 km? Isip sige isip ng conversion factor habang tuloy sa paglalakad. Eureka, 1km is equal to 1000 m. Sa isang metro tantyahin na nating katumbas ng three big steps. That means 1000 x 3 = 3000 big steps. Yakang-yaka, sisiw. Pagod na ko at pawis sa kakalakad pero wala pa din akong makitang landmark nitong bubuyog na ‘to. Tuloy pa din at don’t give up ang drama ko. Gutom, pagod at praning na ko nang sa wakas ay may nakita ulit akong karatula: Jollibee 500m to go.

Aral1: Hindi maasahan ang conversion factor. Aral2: Mag-McDo ka na lang (tabi lang yun mismo ng UP Gate)

*Excited kaming magkakaklase nung gradeschool dahil swimming ang field trip namin kinabukasan. Nag-usap kami ng mga kabarkada ko nang sabihin ng isa kong kaibigan na magbabaon daw siya ng goggles. Dahil ayokong patalo sa kayabangan ay nasabi kong magpapabili din ako sa mommy ko ng goggles dahil masarap iyon. (Background: hindi ko alam kung ano ang goggles that time. Dahil tunog cheese curls, akala ko pagkain iyon) Nagtaka lahat ang kausap ko sabay bara sa akin na hindi iyon pagkain. Wala akong nagawa kundi panindigan na lang sa kanila na mayroon talagang cheese curls na Goggles ang pangalan.

Aral: Gawing ambition sa buhay ang makapagpatayo ng junk food factory in the future. Gawing Goggles ang pangalan ng ibebentang curls.

*Galing sa bayan ay kailangang sumakay muna ng tricycle bago makarating sa bahay namin. Ang dapat sabihin sa driver ay San Guillermo kanan. Sa hindi ko malamang dahilan ang nasabi ko ay San Guillermo kaliwa. Nang paliko na ang sasakyan pakaliwa, inaway ko ang driver sabay sabing, “Ma, ang sabi ko ho kaliwa” (read: sarcastic pa ang pagka-deliver ko nun). Sumagot siya na “Oo nga, kaliwa to”. Di pa ko nakuntento kayat binuweltahan ko siya ng pasinghal na sagot na, “Eto ho ang kaliwa (nakaturo ako sa kanang direksyon) at iyan naman hong nililikuan niyo ay kanan (nakaturo ako sa pakaliwang direksyon). Sangkatutak pang diskusyon ang naganap hanggang sa ending ay napagtanto kong pahiya ako.

Aral: Makinig sa teacher kapag tinuturo ang kaliwa at kanan. Ang kanan ay right; ang kaliwa ay left. Pwede ring sulatan na lang ng bolpen ang iyong kamay at label-an ng left and right.

*Minsan sakay ako ng kotse sa expressway kasama ang itago na lang natin sa pangalang ‘Nakaraan’ ay napagdiskitahan kong isipin ang tungkol sa mga preno. Sabi ko sa kanya, ‘pag nag-brake ka, ang katawan ng mga taong nakasakay ay magmo-move backward’. Kahit siya ang driver at pinaliwanag sa akin na kapag nag-brake ang isang sasakyan, ang tendency ng ng laman sa loob ay mag-move forward at pasubsob, hindi pa rin ako convinced kaya nag-isip ako ng explanation para I-persuade siya. Aha, the laws of opposite reaction. Sabi ko pa, for every action, there is an equal and OPPOSITE reaction. Lusot na sana ako at mukhang naniwala na siya nang biglang kinailangan niyang mag-brake ng malakas para di kami mabunggo sa isang mabagal na trak sa harap ng sasakyan namin. Ang ending, pareho kaming sumubsob paharap. Hindi na namin napag-usapan ni “Nakaraan’ ang bagay na iyon mula nuon.

Aral: Don’t talk when your mouth…..when you are not the driver.

*Pinagsabihan ko si ‘Nakaraan’ na matuto namang siyang ingatan ang mga gamit niya minsang nabagsak na naman niya ng nth time ang cellphone niya. Sabi ko sa kanya gayahin ako dahil never in my whole life na naibagsak ko ang cellphone ko dahil sa sobrang kaingatan ko. Nakinig naman siya. Papasok na ako sa kuwarto ko upang matulog kaya kinuha ko na ang cellphone ko at nilagay sa bulsa ng shorts ko. Blaaaaggggg!!!! Hulog ang cellphone at kalas lahat labas pati kaluluwa ng sim card ko. Daig pa si Kris Aquino sa pagka-chop chop. Butas pala ang bulsa ng short na suot ko.

Aral: Que sera sera. Whatever will be, will be. The future is ours to see. Que sera sera.

*Brown-out, too bad nakakabadtrip. Ilang oras na kaming nagdedeliryo sa pesteng brown-out nang may marinig akong radyo na tumutugtog. At long last, may ilaw na. Sa sobrang excitement ko ay hinipan ko lahat ng kandilang nakasindi. Binuksan ko ang switch. Ayaw gumana. Radyo pala galing sa tricycle ang narinig ko. Kinailangan ko pang bumili sa tindahan ng posporo panindi sa mga hinipan kong kandila (last stick na kasi ung nagamit paninidi nung una)

Aral: Mag-stock ng matchsticks sa bahay. Masarap magtaguan kapag brown-out.

*Naglalakad ako sa labas ng aming bahay nang makita ko sa di kalayuan ang kaibigan ko. Sinigaw ko ang pangalan niya habang patakbong pumunta sa direksyon niya. Hindi niya ako pinapansin, bakit kaya? Masama pa rin siguro ang loob sa akin nuong huli naming tampuhan. Palapit na ako sa kinakatayuan niya nang maaningan ko na hindi pala siya iyon. Kaya para di mapahiya, nilagpasan ko siya at kunwari na lamang ay may kausap akong ibang tao sa bandang likuran niya.

Aral: Kapag malabo ang mga mata, huwag nang ipilit na ayos lang na hindi gumamit ng eyeglasses kapag nasa labas ng bahay

*Sa loob ng maraming taon ay binagabag din ako ng mga sumusunod na mga tanong nuong bata pa ako:

-bakit sinusundan ako ng ulap kapag naglalakad ako?

-meron na kayang sininok o humatsing sa mga sumali sa singing contests? Kung meron nga, bakit kaya wala pa kong natitiyempuhang makita?

-bakit kaya kulay blue ang dagat sa malayo pero wala namang kulay sa malapitan?

-umuulan kaya sa buong Mundo kapag umuulan sa Muntinlupa?

-bakit kaya green ang blackboard? Bakit kaya pula ang tawag sa yellow egg yolk?

-magsyota ba si Shaider at Annie?

-bakit kailangang mamatay ni Yellow 4?

-bakit kaya halos lahat ng bata sa Ms. Philippines gusto maging duktor? National ambition kaya iyon ng mga bata?

-bakit iba ang middle name na gamit na tatay ko kesa sa amin ng nanay at mga kapatid ko? Ampon ba namin siya?

-daga ba si Mr. Bogus o alien?

-…iyong iba sa mga tanong na ‘to, alam ko ang sagot. Iyong iba naman, patuloy pa rin akong binabagabag. Alam niyo na ngayon ang dahilan kung bat lagi akong puyat!

Aral: Huwag mo ng balakin pang mag-enroll sa isang Philosophy class kung ayaw mong humaba pa ang listahan ng mga unsettled questions mo sa buhay (pero dahil required sa course outline, no choice ka buwahaha) .

*Grade six. Sa slum book ng isang kaibigan ko ay may tanong kung ano ang hobbies ko. Dahil sikat ang Eraserheads noong time na iyon ay naalala ko ang isang linya sa isang sikat na kanta nila: basketball sa banyo. Iyon ang sinulat ko dahil ang ibig ko lang sabihin ay hobby ko ang I-shoot ang pinaghubaran kong damit sa lagayan ng damit bago maligo. Nabasa ito ng isang concerned kong kabarkada na mukhang maagang namulat sa mga bagay-bagay. Bastos daw iyon. “Bat naman?”, tanong ko. Matapos ang matagal na explanation niya sa akin, hinanap ko agap ang slumbook sabay erase sa favorite hobby ko.

Aral: Parokya ni Edgar na lang ang gawin mong paborito. Wala silang double meaning na kanta. Proof? Don’t Touch my Birdie ang isa sa mga hit songs nila.

MINSAN SA PANAHON NG TAG-ULAN (eulogy)

MINSAN SA PANAHON NG TAG-ULAN
a eulogy

Hulyo—panahon na naman ng tag-ulan. Ang langit ay nagsisimula na namang magkulay-abo. Nagbabadya marahil ng muling pagbuhos ng masaganang ulan. Pakiramdam ko, nakikisimpatya ang bawat patak nito sa mga luhang nais mag-unahang kumawala mula sa aking mga mata—mga luhang iniaalay ko para sa kanya at sa kanyang paglisan.

Hindi malinaw ang lalim ng buklod na nag-uugnay sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paano tatawagin ang relasyong namamagitan sa amin. Ang malungkot pa nito, wala ng paraan para malaman ko pa.

Ang tanging pagkakakilala ko sa kanya ay bilang isang guro. Isang taga-turo ng subject-verb agreement, tagadikta kung ilang basong gatas ang kailangan ko sa paggawa nitong keyk, at taga-edit ng mga articles na lalabas para sa school organ.

Pagkatapos ng graduation, naging madalang na, siyempre, ang aming pagkikita. Hindi ko napansin. Kung kanya itong ininda, hindi ko na alam. Kahit mas madalas pa siguro ang pagdalaw ng ulan tuwing tagtuyot sa aming muling pagsasama, ni hindi ako nakaramdam ng pagkabahala. Marahil ito ay dahil alam ko, sigurado akong nariyan lang siya, bukas ang mga bisig na naghihintay sa aking pagbabalik.

Kahit kailan ay hindi niya ako binigo sapagkat sa tuwing darating ako ay naroon siya tangan pa rin ang walang kapantay niyang mga ngiti. Ang bawat haplos mula sa marahil ay kulubot na niyang mga kamay ay naghahatid pa rin ng init ng kapayapaan.

Sa huling pagkakataon na kami’y nagkausap, nangako akong ako’y muling babalik upang makita siya. Tanging isang larawan mula sa tangan niyang napaglumaan ng kamera ang nagsisilbing alaala ng tagpong iyon. Patawad kung hindi agad ako nakabalik.

Ngayon, kailangan ko pang ipikit ang aking mga mata upang mula sa dilim ay ipinta ang larawan ng mga alaala, aming lipas na mga alaala. Ang katahimikan ay bumubulong sa akin na siya ay panatag na. Mabigat man sa aking kalooban sampu ng iba bang mga buhay na kanyang nadamayan, batid kong maligaya ang buong kaharian ng langit sa kanyang pagdating.

Ang kanyang paglisan ay nagturo sa akin ng mas mahahalagang katotohanan. Higit pa sa pinakamasarap na keyk na aming naihulma, higit pa sa mga aral hatid ng kanyang mga kwento sa English literarure…masaya akong nakilala ko siya bilang bahagi ng aking buhay. Isang payak na pasasalamat ang ipinaabot ko sa kanya nasaan man siya ngayon.

Mula ngayon ay lilipas ang mga araw, bibilang ng buwan, taon at dekada ngunit alam kong hindi magagawa ng aking puso na makalimot sa kanya. Bigo man ako sa aking pangakong pagbabalik, sigurado akong pagdating ng takdang panahon langit mismo ang magpapahintulot ng aming muling pagtatagpo.

Hulyo—panahon na naman ng tag-ulan. Kasabay sa pagbuhos ng masaganang ulan ay ang pagtangis ng aking kaluluwa at ng sanlibong iba pa. Hindi man magawang ipinta ng abuhing ulap ang kanyang mukha, hindi ako nababahala sapagkat tanging alapaap lang ang naghihiwalay sa aming dalawa.

LIVIN LA VIDA COLA

Several friends of mine have been persistently persuading me to stop my habitual drinking of cola beverages, particurlarly Coke. Ever since I was a child, this cola has been my all-time favorite drink. My gradeschool ‘baon’ was usually spent on softdrinks during the class breaks. I remember one summer before entering high school when I was rushed to the hospital early morn due to severe vomitting. Believe me, the incident freaked my parents. I was diagnosed to have acute gastritis, perhaps due to excessive cola intake. I was frightened but after a week, I got back to my old habit.

If there would be any difference between my grade school and high school years, I may say, that would be the amount of my daily cola intake. It dramatically increased. I could spend all my “baon’ for softdrinks alone. I used to hate eating breakfast and so come recess time, this cola was the one who greeted my already acidic-natured tummy. I was usually teased then to be a ‘coke addict’, and I admit it. Coke is my first choice, Pepsi second and Mountain Dew ranks third.

Being in college is no diffrent. After my classes, my body automatically goes to the nearest kiosk to have a splurge on this addiction. Each time, I visit the library I have my Coke can with me (accompany me, perhaps). In restos or convenience stores, I usually order the largest size available (Biggie/Go Large/Bigtime). I see my friends really worried about me since they are able to witness my ‘addiction’. To stop these classmates from bugging me, I would buy foods for them to keep them shut as I get a sip of my beverage. If you are to give me a cola drink without its label, confidently I can tell whether it’s Coke or not (talent, huh).

I would like to believe that I am not the heaviest cola drinker in this world. Relatively, I may say that I am only a little above-averaged drinker than the others. I consume an approximate range of 24-30 ounces a day. I have already heard of all those odd and eerie stories due to drinking cola, especially those posted on the net. I usually get afraid but still, I can’t stop this habit.

What really worries me is the word addiction. According to Encarta Encyclopedia, addiction refers to the “…habitual repetition of excessive behavior that a person is unable or unwilling to stop, despite its harmful consequences.” I am really bothered with this because there are instances that even if I am not thirsty, but since my circadian clock tells me that it’s time for one, I can’t fight the urge so I’ll buy one. If I see a liter of cola bottle in the fridge, I end up consuming all the contents.

Colas are really refreshing yet they can be too addictive. Coca-cola got its name from the extracts used for its base: cola nuts and kola leaves. A pharmacist who pioneered patent medicine in Georgia commenced its production. The initial motive was for the cola to have medicinal value. Addiction to colas can be traced due to its caffeine-containing nature, which is considered a stimulant. Caffeine increases the blood pressure, stimulates the central nervous system, promotes urine formation, and stimulates the action of the heart and lungs. On the contrary, caffeine is really useful in proper amounts. It can be used in treating migraine because it constricts the dilated blood vessels resulting to pain-relieving action.

I can’t stop drinking Coke. But I can perhaps incremently lower the intake until my body gets adapted again. I really appreciate all those people who are worried about me. Drinking it can really be refreshing but still I have to consider its long-term effects. I may enjoy it now but sooner, there is a chance that I can suffer from more serious illness. It’s a cliché but the adage ‘everything in excessive is harmful’ might work for me and for you as well if you are suffering from the same symptoms. Friends, your efforts have paid off. Other proofs are to follow (hopefully!).