Saturday, March 13, 2010

PERSTAYM


dahan-dahan kong ibinuka ang munti mong mga
binti.isinabay ko na rin ang yong mga
kamay habang tahimik ka lang na nakahimlay..nakatitig sa
kawalan…nakamasid ngunit halatang
pinghaharian ka
ng takot.pareho tyong tuliro..binalot din
ng kaba ang
buo kong pagkatao..parang binalot ng
yelo ang
paligid ko. alam ko, naintindihan ko
mas matindi
ang dinadanas mong takot…patawad
kinailangan ko
lang gawin sa pangambang di na maulit ang
pagkakataong iyon.masakit,oo..tiniis
mo..walang
pagsidlan ang tuwa ko.itinarak ko ang
munti kong
sandata taas hanggang pababa..unti-unti’y
sumirit ang
pulang dugo.parehas tayong nangatal sa
pagsilakbo
ng isang estrangherong
damdamin.tagumpay!!!
Muli patawad sa yo munting palakang
Bufo..labag man sa
kalooban ko kinailangan lang kitang idissect
para pumasa
ako sa bio 3 ni mam toreta.

No comments:

Post a Comment