kaulayaw
nararamdaman ko na naman ang muling
pagtakas ng aking ulirat. katawan ko’y
tila batubalani pa ring nakapagkit sa
pagkakahimlay sa natatangi kong
kaulayaw nitong nakalipas na panahon–
ang aking kama. nakapako na ang aking
likod na panatag na dinuduyan ng
malambot na higaang ito…unti-unti ang
pagbigat ng mga talukap at sa susunod na
iglap ay wala na akong maalala. tuluyan
na siyang tumakas..umalis palayo. di
ko alam kung aasahan ko pa ang kanyang
pagbabalik. kung hindi man, ayos lang
din. ang ganitong pagkakataon ay
ipagpapalit ko sa anumang bagay sa mun
dong ito. mabubuhay na lamang akong
muli marahil sa pagsikat ng buntalang
araw..at sa oras na iyon ay kaabikat na
ang aking pagngiti…ngiti na sana’y
hindi burahin ng maghapon na namang
pagpapapagal sa mundong ito. nawa’y
salubungin pa rin ng ngiting ito ang
muling pagtakas ng aking ulirat
mamayang gabi–sa muling pagyapos ko sa
aking dakilang kaulayaw–ang aking kama!!
No comments:
Post a Comment