Philosophy class. First meeting kaya gusto ng instructor namin na mag-pass kami sa isang one-fourth sheet ng aming five unique traits…I repeat five unique traits to be submitted sa next meeting. Submission day came at all papers are in. Masaya naman ang discussion ng class nang ang sumunod na papel na mabunot ni sir ay kay Trixie (FYI: lalaki siya at hindi babae). Nagtaka si sir kung bakit puro numbers ang nakalista sa one-fourth niya (1.0, 2.0, 3.0, 4.0, 5.0), kaya tinanong si Trixie bat ganun ang sagot niya. Nahihiya man ay inamin na din ni Trixie na ang akala niya ay five unique GRADES ang pinapagawa.(sa first meeting pa lang ng klase, be sure na nakuha mo na ang cell number ng seatmate mo…para may matanungan nga in case bigla na lang nababasag ang eardrum mo kung kailan mo siya kailangan)
———-
Never akong pumapasok sa klase na isa lang ang dalang ballpen. Girl scout yata ‘to—laging handa. Paano na lang pag nawalan ng tinta eh di patay na ko lalo pag exam. One day, inutos ng Asian History prof ko na I-compute ang midterm standing namin at isulat sa papel. Dahil time na at may kasunod nang gagamit ng room, binilin niyang ihabol na lang sa desk niya sa faculty ang papel ng mga di makaka-pasa. Pero dahil sobrang nagmamadali ako dahil may susunod pa kong class, sa labas na lang ako ng room nag-compute. Dahil walang desk/upuan, naisip kong sa pader na lang ipatong ang papel at doon gawin ang computations ko. Sa kamalasan nga naman ayaw tuminta ng ballpen ko…so kinuha ko ang isa ko pang ballpen..sa awa ng Diyos ayaw pa ring tuminta kaya for the third time, kinuha ko na ang isa ko pang reserved ballpen…ayaw pa ring tuminta. Sa sobrang kaasaran ko tinapon ko sa basurahan ung tatlong ballpen kong wala namang kwenta at dumiretso sa canteen para bumili na naman ng panibago. Na-compute ko na din at long last. Na-late ako sa sunod kong klase at ang masaklap pa nito na-realize ko na malamang hindi talaga titinta ang mga bolpen ng maayos kapag sa pader mo pinatong ang papel na pinagsusulatan mo (malamang ‘no, against the flow kaya ng tinta ang vertical plane ng pader/prerequisite pala ng mga Humanities subjects ang common sense…he he.)
———-
Katulong: (worried) Ate, dumating yung taga-homeowners, kailangan mo daw magbayad ng Mountain dew?
Ate: (bewildered) ha? Wala naman akong binibiling mountain dew ah???
(after two days, nagpadala na ng notice ang homeowners)
Notice: Mrs. (name)…we like to inform you that you have to settle this amount (PhP XXX) in payment of your MONTHLY DUES…
———-
Nanay: Anak, punta kang palengke bili ka ng pickles.
Anak: Ok.
Anak (to tindera): Ale, pabili po ng pickles beinte pesos.
Tindera: ‘yung buo o riles?
Anak: (nagtataka, hindi ma-gets ang tanong ng tindera) ho? Bakit po sa may riles po ba nagtitinda ng pickles?
Tindera: (naguguluhan na rin) Ano’ng sinasabi mo? Sabi ko anong bibilhin mo, buong pickles o pickles na riles (sabay abot ng dalawang lalagyan ng magkaibang uri ng pickles)
Anak: (binabasa ang labels) ah…okey po…pickle RELISH po (nagpipigil sa pagtawa).
Tindera: (asaaaarrrr!!!)
———-
Pasahero: (bagong sakay) Bayad po, diyan lang sa may IBON.
Driver: (nag-iisip) san ho ‘yun? Ngayon ko lang ho narinig yung lugar na yan ha.
Pasahero: (asar) ang tagal niyo ng driver ‘di niyo pa lam iyon eh diyan lang yun sa may bukana.
Driver: (nagtitimpi sa panghahamak sa kanya) Ah, sige ho pakituro na lang kung pababa na kayo…(polite pa din)
Pasahero: para (turo sa may karatula), dito ho yung IBON..
Driver: (basa sa karatula) Ah…dito pala yung sinasabi niyong AVON, sensya na tao lang!!! (halatang gusto nang makapatay, he he).
———-
Roll call sa isang gradeschool computer class habang busy ang mga students sa computer exercises….
Teacher: Abad….
Abad: present!
Teacher: Benitez…..
Benitez: present!
Teacher: Cruz……
Cruz (masyadong dedicated sa computer class): ENTER!!
———–
UNQUOTABLE QUOTES:
Subject label sa isang notebook: TRIGONOMISTRY (as in all caps at bold pa yan….ah, baka nalito lang sa chemistry at trigonomistry o kaya para tipid sa notebook, pinagsama na lang sa isang notebook yung dalawang subjects, talino no he he)
Student1: Ano’ng day ang exam natin?
Student 2: Ah bale, sa March 15 na ang GRAND FINALS natin (tama ba namang gawing dance/singing contest ang final exams…honestly, ako si student2 he he.)
PA-coñ01 to PA-coñ02: Pare, DID you WENT sa office?
PA-Sosi1 to PA-Sosi2: Gosh, sine-SEDUCT niya ung guy!!! (to mean sine-seduce)
———-
Amo: Inday, ano’ng nilagay mo sa ulo ni Junior?
Inday: Gel po…
Amo: Eh ba’t amoy alcohol at hindi naman tumitigas?
Inday: Eh kinuha ko po yung gel na nakalagay sa tokador sa CR
Amo (dali-daling tumakbo papuntang CR para tingnan ang sinasabing gel): Eh Purinse ‘to eh (hand sanitizer…grrrr/Purinse GEL nga naman ang nakalagay eh, justified…angal pa)
No comments:
Post a Comment