Saturday, March 13, 2010

assorted eh!

CELESTIAL BODIES

Araw, huwag opagdamutan ng liwanag ang aking buwan,
Upang mundo’y magsimulang uminog kasabay ang iba pang buntalan,
Bigyang buhay at muling paandarin mga kamay ng orasan,
Lumubog ka man at palitan ng tala sa kalangitan…
Asahan ang pangakong bukas muli kitang aabangan.

ULAP, LUPA

Walang ibang alam ipinta ang mga ulap kundi ang iyong mukha
Tanaw ang mga kumikislap na mga matang tila nagsasalita
Ngunit kaybilis maparam ng alapaap, unti-unting nawawala
Sa ihip ng hangi’y tuluyang nabubura, maski usal na dasal ay walang magawa
Pinaliligaya lang nang saglit ang puso ng maalam dumakila
Kawangis ay binhing ‘di nadiligan,
nalanta,
namaalam,
yumukod,
at humalik sa lupa.

MORNING GLORY

Sa nakalipas mong gabi’y, ako’y isa lang alaala,
Piping saksi sa mga panaginip na maligaya,
Takot ako at nakasiksik sa magkabilang sulok,
Kasama ko’y walang iba kundi luha’t alikabok.
Bigyan mo naman ako kahit ng konting pansin,
Masaya na akong maambunan ng iyong tingin,
Bakit sa tuwing makikita’y gusto na agad paalisin,
Kailan ba kasi hiling ko sa Diyos ay diringgin?
Kahit palayasin mo pa ako ng pilit,
Katawan ko pa rin sa iyo’y ikakapit,
Ngunit sa huli’y lakas mo pa rin ang mananaig,
Pagkat ako’y itatapon at titilapong muli dito sa lamig,
Wala na nga siguro akong magagawa kundi tanggapin—ako’y isang hamak na muta
Sampid sa mata, titigas na lamang pag-ihip ng hangin.

EBOLUSYON NG ISANG SEGUNDO

Nauubos ang segundo, lumililipas mga minuto
Nagpapaligsahan ang mga kamay mo patungo sa direksyong di din sigurado
Araw ay natatapos, buong linggo’y di maigapos
Buwan ay namamaalam, santaong kaybilis maparam
Aabutin ng dekada’t siglo, mauubos pati laman ng kalendaryo
Dadating ang panahong nasa pahina na lamang ito ngunit nawa’y manatili sa di nakalilimot na puso.

MILYONG SEGUNDO

Huwag ikalungkot ang kaisipang kailangan ko nang lumisan
May nalalabi pang milyong segundo bago kita tuluyang iwanan
Ikulong mo munti kong kamay sa yong mga daliri
Damhin ang katahimikan at ipinid na lang ang mga labi
Dingging mabuti ang usal sa bawat pintig ng puso
Bumubulong ang orasang segundo’y ubos na, aalis na ako
Tandaang kahit maubos pa ang panahon
Pareho lang tayong naging alipin ng pagkakataon
Kaya’t di man sanay sa mga ritwal ng pamamaalam
Hayaang ating napagsaluha’y mabura na’t maparam
Ngayon, mga kamay mo’y tuluyan ko nang bibitawan
Pagkat ating milyong segundo’y nahatulan na ng kamatayan.


PARADOX

A myriad of screaming silence has been killing me—a dagger, a pierce caressing my soul with rains of blood. The deafness of its raging calmness—my dose of melancholy. The wind whispers the melody of grievance; the sky paints colored clouds of fear. The sea sings a lullaby to rear the blastula of angst. Is this a dream? Silence. A pilgrimage for liberty? Silence. A quest to answer such gluttony? Silence. Perhaps, a search to that labyrinth’s mysticism? Silence seems eternal. Cosmic force, I command you. Let me live, let me breathe by your invincible divinity. Alas, a voice blurted from that pointless abyss, ‘child, this isn’t a dream but a covenant bound by undeciphered truths.’ Sweet. Bitter. Reality. Conflict. Ambivalence. Tranquility. I am a paragon of unidentified flaws—a goddess of imperfections. Life is but a well of a thousand paradox.

I AM VENUS

I am Venus, could you be my Mercury?
Though light years apart, we can still exist in harmony
Go follow your path and I will traverse mine
Start moving our worlds in perfect rhyme
As other planets rotate, they too, can revolve
While comets collide, let dear Earth evolve
The sun in its highness springs its brilliance
While the face of the moon boasts a gleaming radiance
Be it a ring of fire fueled by sanity
I’ll still battle against the laws of gravity
No lines of an adage can ever conquer
For my heart is the shelter of a little warrior
So heaven and sky, grant me the rain
The rain that will thaw the frozen tears of pain
Tranquility my vastness soon shall conceive
The reward for tomorrow all stars will receive
Now I sow, soon I’ll reap
The fruits of a love
So fragile,
So sweet
I am the queen of my axis—your majesty
Forever I’ll reign in this imperial galaxy.

GOOD NIGHT, ANGEL

Ethereal being from the vast, starry sky
Soothe my soul with your melodic lullaby
Watch me as I fall asleep for another night
And calm this heart to meet its guiding light
See you as you wander in my enchanted dreams
Let me feel the warmth of my cherub’s wings
So good night to you, my little seraph
Grace by an angel sent by heaven above
For now, to you I bid a parting kiss
We’ll see each other tomorrow in perfect bliss

PAG-ANI

Akin nang sasakahin
aking mga pananim
sa munti kong lupain
bur’hin bahid ng lagim
ihanda ang sarili sa pag-ani
kuhanin ang sandatang tsani
sa tangang salamin di ka mahihirapan
sabay ipitin ang buhok sa pagitan
dahan dahan ngayon itong hilahin
gamitin ang lakas ito’y bunutin
isa,dalawa hanggang sila’y maubos
puputi, kikinis tanggal mga talbos
siguruhing nahila puno hanggang ugat
wala ding bakas ng pinagbunutan dapat
kahit mahirap, kahit mahapdi
masuot lang nabiling ispageti
sino bang nagdidikta ng maganda sa hindi,
babae’y dapat ba talagang walang buhok sa kilikili?

No comments:

Post a Comment