*Minsan naisipan kong magtimpla ng kalamansi juice dahil sa nangangati kong lalamunan. Kailangan kong tapusin ang pagtitimpla agad dahil in a span of three tv commercials ay malamang mag-umpisa na ang aking favorite cartoon – Spongebob Squarepants. Hinanda ko na lahat: hiniwang kalamansi, asukal, tubig, baso at kutsara. Libang na libang ako sa pagpiga ng mga kalamansi hanggang sa bigla akong natauhan at na-realize ko na sa lababo ko pala pinipiga ang katas ng kalamansi habang ang mga napiga ko ng kalamansi ay sinu-shoot ko sa basong may tubig.
Aral: Huwag gawing paborito si Spongebob dahil nakaka-influence din minsan ang kanyang pagiging utak-spongha!
*Setting: UP Campus. Background info: First time kong magcommute mag-isa papunta dun. Time: Lunch, Summer (katirikan ng araw, May kasi ang enrollment ng freshman).
Dahil excited ako sa fastfood, naisip kong mag-Jollibee. Malapit lang yun mula sa UP Gate, natanaw ko iyon sa jeep noong papasok pa lang ako ng campus. Lakad sige lakad hanggang sa may nakita akong karatula: Jollibee 1km to go. Ayos, tunog malapit. Gaano ba kalayo ang 1 km? Isip sige isip ng conversion factor habang tuloy sa paglalakad. Eureka, 1km is equal to 1000 m. Sa isang metro tantyahin na nating katumbas ng three big steps. That means 1000 x 3 = 3000 big steps. Yakang-yaka, sisiw. Pagod na ko at pawis sa kakalakad pero wala pa din akong makitang landmark nitong bubuyog na ‘to. Tuloy pa din at don’t give up ang drama ko. Gutom, pagod at praning na ko nang sa wakas ay may nakita ulit akong karatula: Jollibee 500m to go.
Aral1: Hindi maasahan ang conversion factor. Aral2: Mag-McDo ka na lang (tabi lang yun mismo ng UP Gate)
*Excited kaming magkakaklase nung gradeschool dahil swimming ang field trip namin kinabukasan. Nag-usap kami ng mga kabarkada ko nang sabihin ng isa kong kaibigan na magbabaon daw siya ng goggles. Dahil ayokong patalo sa kayabangan ay nasabi kong magpapabili din ako sa mommy ko ng goggles dahil masarap iyon. (Background: hindi ko alam kung ano ang goggles that time. Dahil tunog cheese curls, akala ko pagkain iyon) Nagtaka lahat ang kausap ko sabay bara sa akin na hindi iyon pagkain. Wala akong nagawa kundi panindigan na lang sa kanila na mayroon talagang cheese curls na Goggles ang pangalan.
Aral: Gawing ambition sa buhay ang makapagpatayo ng junk food factory in the future. Gawing Goggles ang pangalan ng ibebentang curls.
*Galing sa bayan ay kailangang sumakay muna ng tricycle bago makarating sa bahay namin. Ang dapat sabihin sa driver ay San Guillermo kanan. Sa hindi ko malamang dahilan ang nasabi ko ay San Guillermo kaliwa. Nang paliko na ang sasakyan pakaliwa, inaway ko ang driver sabay sabing, “Ma, ang sabi ko ho kaliwa” (read: sarcastic pa ang pagka-deliver ko nun). Sumagot siya na “Oo nga, kaliwa to”. Di pa ko nakuntento kayat binuweltahan ko siya ng pasinghal na sagot na, “Eto ho ang kaliwa (nakaturo ako sa kanang direksyon) at iyan naman hong nililikuan niyo ay kanan (nakaturo ako sa pakaliwang direksyon). Sangkatutak pang diskusyon ang naganap hanggang sa ending ay napagtanto kong pahiya ako.
Aral: Makinig sa teacher kapag tinuturo ang kaliwa at kanan. Ang kanan ay right; ang kaliwa ay left. Pwede ring sulatan na lang ng bolpen ang iyong kamay at label-an ng left and right.
*Minsan sakay ako ng kotse sa expressway kasama ang itago na lang natin sa pangalang ‘Nakaraan’ ay napagdiskitahan kong isipin ang tungkol sa mga preno. Sabi ko sa kanya, ‘pag nag-brake ka, ang katawan ng mga taong nakasakay ay magmo-move backward’. Kahit siya ang driver at pinaliwanag sa akin na kapag nag-brake ang isang sasakyan, ang tendency ng ng laman sa loob ay mag-move forward at pasubsob, hindi pa rin ako convinced kaya nag-isip ako ng explanation para I-persuade siya. Aha, the laws of opposite reaction. Sabi ko pa, for every action, there is an equal and OPPOSITE reaction. Lusot na sana ako at mukhang naniwala na siya nang biglang kinailangan niyang mag-brake ng malakas para di kami mabunggo sa isang mabagal na trak sa harap ng sasakyan namin. Ang ending, pareho kaming sumubsob paharap. Hindi na namin napag-usapan ni “Nakaraan’ ang bagay na iyon mula nuon.
Aral: Don’t talk when your mouth…..when you are not the driver.
*Pinagsabihan ko si ‘Nakaraan’ na matuto namang siyang ingatan ang mga gamit niya minsang nabagsak na naman niya ng nth time ang cellphone niya. Sabi ko sa kanya gayahin ako dahil never in my whole life na naibagsak ko ang cellphone ko dahil sa sobrang kaingatan ko. Nakinig naman siya. Papasok na ako sa kuwarto ko upang matulog kaya kinuha ko na ang cellphone ko at nilagay sa bulsa ng shorts ko. Blaaaaggggg!!!! Hulog ang cellphone at kalas lahat labas pati kaluluwa ng sim card ko. Daig pa si Kris Aquino sa pagka-chop chop. Butas pala ang bulsa ng short na suot ko.
Aral: Que sera sera. Whatever will be, will be. The future is ours to see. Que sera sera.
*Brown-out, too bad nakakabadtrip. Ilang oras na kaming nagdedeliryo sa pesteng brown-out nang may marinig akong radyo na tumutugtog. At long last, may ilaw na. Sa sobrang excitement ko ay hinipan ko lahat ng kandilang nakasindi. Binuksan ko ang switch. Ayaw gumana. Radyo pala galing sa tricycle ang narinig ko. Kinailangan ko pang bumili sa tindahan ng posporo panindi sa mga hinipan kong kandila (last stick na kasi ung nagamit paninidi nung una)
Aral: Mag-stock ng matchsticks sa bahay. Masarap magtaguan kapag brown-out.
*Naglalakad ako sa labas ng aming bahay nang makita ko sa di kalayuan ang kaibigan ko. Sinigaw ko ang pangalan niya habang patakbong pumunta sa direksyon niya. Hindi niya ako pinapansin, bakit kaya? Masama pa rin siguro ang loob sa akin nuong huli naming tampuhan. Palapit na ako sa kinakatayuan niya nang maaningan ko na hindi pala siya iyon. Kaya para di mapahiya, nilagpasan ko siya at kunwari na lamang ay may kausap akong ibang tao sa bandang likuran niya.
Aral: Kapag malabo ang mga mata, huwag nang ipilit na ayos lang na hindi gumamit ng eyeglasses kapag nasa labas ng bahay
*Sa loob ng maraming taon ay binagabag din ako ng mga sumusunod na mga tanong nuong bata pa ako:
-bakit sinusundan ako ng ulap kapag naglalakad ako?
-meron na kayang sininok o humatsing sa mga sumali sa singing contests? Kung meron nga, bakit kaya wala pa kong natitiyempuhang makita?
-bakit kaya kulay blue ang dagat sa malayo pero wala namang kulay sa malapitan?
-umuulan kaya sa buong Mundo kapag umuulan sa Muntinlupa?
-bakit kaya green ang blackboard? Bakit kaya pula ang tawag sa yellow egg yolk?
-magsyota ba si Shaider at Annie?
-bakit kailangang mamatay ni Yellow 4?
-bakit kaya halos lahat ng bata sa Ms. Philippines gusto maging duktor? National ambition kaya iyon ng mga bata?
-bakit iba ang middle name na gamit na tatay ko kesa sa amin ng nanay at mga kapatid ko? Ampon ba namin siya?
-daga ba si Mr. Bogus o alien?
-…iyong iba sa mga tanong na ‘to, alam ko ang sagot. Iyong iba naman, patuloy pa rin akong binabagabag. Alam niyo na ngayon ang dahilan kung bat lagi akong puyat!
Aral: Huwag mo ng balakin pang mag-enroll sa isang Philosophy class kung ayaw mong humaba pa ang listahan ng mga unsettled questions mo sa buhay (pero dahil required sa course outline, no choice ka buwahaha) .
*Grade six. Sa slum book ng isang kaibigan ko ay may tanong kung ano ang hobbies ko. Dahil sikat ang Eraserheads noong time na iyon ay naalala ko ang isang linya sa isang sikat na kanta nila: basketball sa banyo. Iyon ang sinulat ko dahil ang ibig ko lang sabihin ay hobby ko ang I-shoot ang pinaghubaran kong damit sa lagayan ng damit bago maligo. Nabasa ito ng isang concerned kong kabarkada na mukhang maagang namulat sa mga bagay-bagay. Bastos daw iyon. “Bat naman?”, tanong ko. Matapos ang matagal na explanation niya sa akin, hinanap ko agap ang slumbook sabay erase sa favorite hobby ko.
Aral: Parokya ni Edgar na lang ang gawin mong paborito. Wala silang double meaning na kanta. Proof? Don’t Touch my Birdie ang isa sa mga hit songs nila.
No comments:
Post a Comment